Friday, December 26, 2014

Ika tatlumpu't- dalawa na paglalakbay : Kilig, pintig, haay pag-ibig

Isang damdamin nabuo sa di inaasahang pagkakataon, isang damdamin masarap sa pakiramdam animo'y pagkasama mo ang iyong mahal ay nawawala na ang lahat ng pagod at iyong paghihirap.


Ito na naman ako muli nagbabalik sa di inaasahang pagkakataon, di ko rin alam kung anung pumasok sa utak ko at bakit ako muling nagtitipa dito sa harap ng kumputer. Marahil siguro dahil sa isang pangyayari na naganap noong nakaraang linggo kung saan isang malapit na kaibigan ang kinasal.

Thursday, November 13, 2014

Ika tatlump├╗-isa na paglalakbay : Pumapagibig101

Sabi nga nila "pagtumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito." Sinu ba naman ang di nakakaalam ng kanta na yan, di ba? Marahil maraming magtatanung kung paano nga ba umibig at kung kailan nga ba ito dapat simulan?
Para sa akin ang pagibig ay isang mahiwagang pangyayari na di mo alam kung saan at kailan ito mangyayari, hindi ba?
Minsan yung inaakala mong wala lang sayo yun pala meron na, dahil di mo lamang binibigyan ng pansin ang bawat pintig ng puso mo.

Saturday, September 20, 2014

Ang pagpapatuloy ng tiwala

Habang tumatagal ang panahon marami din ang nagbabago, mga pagbabago na mas nagpapatatag sayo. Kaya naman ang bawat tiwala iyong bnibigay sa kanya at unting-unting nabubuo kahit sabihin natin na mahirap itong muling ibalik pa?

Pero sabi nga nila lahat naman ng tao ay dumadaan dito upang malaman nila kung gaano nga ba sila katatag kaya kung sakali man dumating ang panahon na muling nawala ang tiwala mo sa ibang tao ay madali na lamang sayo ito.

Monday, September 15, 2014

Wasak na naman ang Tiwala.

Kagaya ng nasabi ko sa mga narakaraang paglalakbay isa ang tiwala sa mahirap kunin at pagnakuha mo na ito siguraduhin mo lamang na kaya mo itong panindigan. Sapagkat ang tiwala ay kusang binibigay sa mga tao may mabuting budhi pero paano na lamang ang tiwala kung nabasag ito?

Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko maging malapit sa mga kaninong mga tao sa aking paligid sapagkat mabilis akong magtiwala, tiwala na binigay ko ng buo, walang labis at walang kulang.

itutuloy....

Friday, August 29, 2014

Ika-dalawampu't siyam na paglalakbay : Tumutunghay sa kinabukasan (move-on)

larawan mula kay jonas.ph
Sabi nga nila may mga bagay na mahirap gawin kahit anung pilit mong gawin ito lalo't na kung ang bagay na iyon ay minsan ay labag sa iyong kalooban, bakit? simple lang marahil may mga bagay na kahit anung pilit mong maging maayos ay di maayos, ika nga nila pagnabasag mo na ang isang mamahaling baso at pilit itong mabuo, di na ito kailangan man mabubuo kahit sabihin nating nabuo mo ito pero may lamat na o di na husto hindi ba?

Monday, July 7, 2014

Mundo ng Kapatiran (fraternity) sarap o hirap

larawan mula kay google
Isa sa mga malaking balita ngayon sa Pilipinas ang pagkamatay ng isang neophyte dahil sa tinamo niyang mga pasa at sugat dahil sa isang hazing o mas tamang sabihan na isang proseso para makapasok ka ng lubos sa kanilang organisasyon.

Maraming nagsasabi na hindi naman kailangan pang sumali sa isang kapatiran kung alam mo naman ang iyong kakayanan o abilidad sa bawat bagay na iyong ginawa hindi ba? At isa pa anung nga ba ang dahilan kung bakit kailangan mong sumali pa sa kapatiran na alam mo naman na maari kang mapahawak dahil sa proseso sa pagpasok nito, marahil sasabihin ng iba upang mas lumawak pa ang iyong network o maaring makatulong sila sa iyo sa takdang panahon na kung sakaling kailangan mo na sila o dahil naghahanap ka ng isang kalinga na hindi naiibigay ng iyong pamilya o maaring dahil trip mo lang.

Tuesday, July 1, 2014

Si Hulyo at Ang Maskara

Hulyo nanaman pala ang bilis ng araw di mo na mamalayan pasko nanaman...

Ilan beses man tayong madapa kailangan pa rin nating tumayo at ipagpatuloy ang buhay, ika nga nila may mga bagay talaga na di natin hawak at hayaan na lamang natin na ang Dios ang gumawa ng paraan upang maging masaya at maging maayos ang lahat.

Isa yan sa mga laging isipin ko tuwing dumating ang panahon kung saan may mga suliranin na dumating sa akin o maging sa mga itinuturi kung mga kaibigan pero syempre wag lamang umasa sa kanya dapat gumawa ka rin ng paraan para mas maging maayos at lahat ikaw nga sa ng isang matandang kasabihan "nasa dios ang awa, nasa tao ang gawa" hindi ba? Kaya naman dapat alam mo din kung anu nga ba ang dapat mong gawin.

Monday, June 2, 2014

Ang di ordinaryong cafe

Sabi nga ng karamihan ang pagpunta sa isang cafe ay nagiging isang lifestyle na lalo na ang mga kabataan ngaun lalo't pang ang dami-dami ng nagsisilabasan na parang mga kabute. Pero paano mo nga ba malalaman kung worthy pa ang pagstay o pagkain o pag-inom ng isang tasang kape sa kanilang cafe.

Marahil sasabihin ng isang ordinaryong tao bakit nga ba nahuhumaling ang mga kabataang ito sa isang tasang kape kung tutuusin naman 3 in 1 na kape ay pasado na, iba yung panahon namin kaunting kwentuhan lamang sa veranda, swak na ang bonding. Pero kung titignan mo nga namang ang lifestyle ng mga kabataang katulad ko (oo pagbigyan ninyo na ko bata pa ko haha), pumunta sila sa cafe di dahil sa pagkain o sa kanilang inumin kungdi dahil sa karanasan mismo sa loob ng cafe.

Aaminin ko isa ako sa mga madalas na laman ng mga cafe sa iba't-ibang sulok ng kamaynilaan di dahil sa may mga freebies dito kungdi masarap magsulat sapagkat tahimik at kung kasama ang mga kabarkada mo na talaga naman na mas nagiging mas masaya pa ito.

Sa isang tasang kape na inorder ninyo bawat isa ay matagal maubos di dahil tinitipid ninyo ito kungdi dahil mas maraming kwentuhan na nagaganap kumpara sa pag-inom, minsan pa nga mas matagal pa ang oras ninyo sa cafe kumpara sa mga ordinaryong mga araw na magkakasama kayo, hindi ba?

Marahil masasabi kung naging maganda rin ang epekto ng pagkakaroon ng mga cafe sa isang lugar sapagkat mas mga bagay talaga na sa cafe mo lamang ito mailalabas.

So paano hanggang dito na lamang ang aking kwento patungkol sa cafe.

Malay madalas na pala tayong magkita, di lang natin napapansin.

Thursday, April 24, 2014

Puso Ang Una

Matagal-tagal na rin simula ng huling tipa ko dito sa aking munting mundo na ako ang gumawa, madami na rin pala ang nagbago simula ng nawala ako, pagbabago na maaring maging mabuti at masama.

Pero kagaya nga ng sabi ng karamihan, walang permanente sa mundo na ito, lahat ng bagay o lugar ultimo ang tao nagbabago kahit saan mo tignan.

Mahirap man aminin pero madami na rin pala ang nagbago sa aking paligid, di ko rin alam na ang bawat pahinga ko ay katumbas ng isang taong buhay, mahirap man intindihin pero sabi nga nila di mo naman kailangan intindihin ito, damhin mo lamang at ituloy ang ang agos ng buhay pero paano nga ba magpapatuloy ang agos ng buhay ng isang tao kung alam mo na sa iyong sarili na may mga bagay na hindi na maari pang mangyari sa hinaharap?

Pero katulad ng isang linya sa isang pinilakang tabig di natatapos ang lahat sa isang lungkot, lahat ng bagay may saya, pero paano ka nga ba sasaya kung alam mo na kaunti na lamang ang natitirang buhay mo sa mundo, hindi ba?

Pero syempre bakit mo naman iisipin pa ang buhay na maikli kung maari mo naman itong sulitin sa bawat oras, minuto o segundo!

Sa bawat araw na lumilipas maaring maraming pagbabago pero sana wag ka sumabay sa pagbabago na iyon sa pagkat maaari ang pagbabago na iyon ay makasama sa iyo, sa atin?! Dahil may mga pagbabago na hindi natin gusto o mas tamang sabihin na ayaw natin gawin dahil alam natin na ang pagbabago na iyon ay maaring ikasira natin, na maaring di na tayo ulit magtampo pang muli.

Sa bawat tibok ng iyong puso dapat sundin pero sabi nga nila gamitin mo rin ang iyong utak, kaya nga mas mataas ito sa puso sapagkat may mga bagay na mas mainam na ayusin muna bago damhin ito.

Pero paano kung minsan tuso ang puso, puso na maaring naging manhid na sa lahat ng bagay ngunit ang utak ay naging bukas naman sa mga posibilidad? Anu nga ba ang dapat sundin sa dalawa?


Hanggang dito na lamang ang aking munting kwento.

Wednesday, March 26, 2014

Problema nga naman

Sabi nila lahat ng tao sa mundong ito ay may mga problema nasa iyo na lamang yun kung paano mo aayusin pero may mga problema na talaga na indi mo alam kung paano nga ba ayusin lalo pa ang problemang iyon ay hindi naman talaga nagmula sa iyo kungdi ipinasa lamang, ika nga nila problema ko solusyunan mo, oo masakit mang isipin pero parang ganyan ang ang nararanasan ko ngaun sa puntong ito sapagkat di ko mawari kung anu ba ang problema nila at bakit kailangan lagi na lamang akong mag-aayos ng mga gusot nila sa buhay? Di porke isa lamang akong litralista at masasabing nagtratrabaho sa isang malaking kumpanya ay ako na lamang ang aako sa mga problema nila. Di ba nila na isip na may mga problema din akong dinadala at hanggang ngaun ay di ko pa rin alam kung kaya ko nga bang itong bigyan ng solusyon. Lalo na ngaun na di ko alam kung anu nga ba ang nangyayari sa katawan ko sapagkat may mga bagay na bigla na lamang akong inaatake nito.

Wednesday, February 12, 2014

Ika dalawampu't apat paglalakbay : Pula nga ba ang kulay ng Pag-ibig?

Pula nga ba ang kulay ng pag-ibig? o kaya naman bakit nga ba pula ang kulay ng pag-ibig? Bakit hindi itim? puti? asul? o kaya naman ube?

Isa ito sa mga katanungan na minsan madaling sagutin lalong-lalo na kung naranasan mo na ang umibig ng wagas, sabi nga nila sa pag-ibig maraming nababago,binabago at nabago. Minsan di natin mawari kung anu nga ba ang tunay nararamdaman ng isang tao.

Pero sabi nila may dalawang dahilan kung bakit naging pula ang kulay ng pag-ibig. Una kung ikaw ay tinamaan ni kupido talaga naman mararamdaman mo ang lahat ng saya at tuwa, kumbaga nakikita ito sa aura ng isang tao at ang ikalawa ay kung nabigo ka sa pag-ibig sapagkat sinasalamin nito ang iyong damdamin kapag malungkot ka kumbaga may mga pagkakataon na bigla ka na lamang na umiiyak sa di maipaliwanag na dahilan hindi ba?

Ikaw sa tingin mo bakit nga ba kulay pula ang kulay ng pag-ibig?

Wednesday, February 5, 2014

Ika dalawampu't tatlong paglalakbay : Tiwala

Isa sa mga napakahalagang aspesto ng pagkakaibigan o maging sa higit sa isang kaibigan ang salitang "Tiwala". Tiwala na di hinihingi kundi kusang itong binigay sa nararapat na tao sa iyong buhay, hindi ba?

Ngunit paano kung ang tiwalang ibinigay mo ay binalewala ito, anung ang iyong gagawin?

Malalang mawawalan ka na ng ganang binigay ulit sa kanya ito lalo't kung ang iyong pinagbigyan ng tiwala ay isa sa mga naging malapit sa iyo? Ika nga nila minsan kung sinu pa ang itinuturing mong totoong kaibigan ay siya pa pala ang wawasak sa tiwalang ibigay mo ng lubusan.

Minsan naiisip ko na lamang kung bakit nga ba minsan ang bilis natin magbigay ng tiwala sa isang tao? Marahil likas na sa atin ito lalo na kung alam mo ang taong ito ang karapat-dapat. Pero dadating din sa punto na mapapaisip ka na lamang na, "Bakit nga ba?"

Sabi nga sa isang kanta ng Parokya ni Edgar, "Parang tiwala pag nasira na mahirap nang ayusin pa, di kayang ipagdikit ang tiwala pag napunit! Parang nangyari kailan lang..."

Monday, January 27, 2014

Ika dalawapu't dalawang paglalakbay : Isang Tasang Kape

Di ko na namalayan na paubos na pala ang kapeng aking tinimpla, masakit man alalahanin ang bawat sakit ng nakaraan pero ito naman ang magiging sandata ko para naman sa hinaharap, hindi ba?

Dahil wala na ang tinimpla kung isang tasang kape ay naisipan kung tumakbo muna sa kalsada tutal masarap naman ang hangin ngaun malamig, malamang mas lalong mapapasarap ang aking pagtulog.

Paglabas ko pa lamang sa aking bahay nagulat ako sapagkat may mga batang nakahiga sa pinto, di ko malamang kung anu ang aking gagawin, itataboy ko ba siya o tutulugan sapagkat ramdam ko ang kanyang paghihirap sa ganyang kalagayan, kaya naman dali-dali ko siyang ginising upang tanungin ng iilang mga bagay mabuti ng makasiguro.

Bata, anung ginagawa mo sa ganitong oras ng gabi at nariyan ka pa sa harap ng aking tahanan, sabi ko.

Hermano, paumanhin po sa aking ginawa sapagkat wala akong natutuluyan ngaun dahil lumayas po ako sa aming tahanan. ani ng bata.

Ako naman nag-isip-isip sapagkat mukhang may pinag-aralan ang batang ito base na rin sa aking pananalita at paggamit ng wikang espanyol, kung tutuusin iilan lamang sa mahihirap na bata ang gumagamit, kaya naman di ako nag-aksaya ng panahon na tanungin ulit sya kung anu nga ba ang tunay na nangyari sa akin at kung bakit siya umalis sa kanilang tahanan.

Maari ko bang malaman ang dahilan kung bakit ka lumayas sa iyong tahanan iha at mukhang di ka lamang isang ordinaryong paslit sapagkat marunong kang gumamit ng wikang espanyol. ani ko

Tama mo ang iyong tinuran hermano sapagkat may lahi po aking Espanyol, parehas pong Espanyol ang aking mga magulang ngunit lumaki po ako dito sa Pilipinas kaya kahit paano ay bihasa na rin ako sa paggamit ng wiking tagalog. ani ng batang paslit

Mabuti naman kung ganun, ngunit di mo pa sinasagot ang aking ikalawang katanungan, anung nangyari at bakit ka lumayas sa iyong tahanan iha? ani ko

Sapagkat hermano nagkaroon ng malaking pagtatalo ang aking mga magulang at mayroon po akong natuklasan na di ko maatim na magagawa ito ng aking ama. sabay iyak ng batang paslit.

Oh siya bata, tumahan ka diyan, di ko na aalamin kung anuman yang bagay na iyan sapagkat problemang pampamilya na iyan. sabi ko.

Salamat mo hermano. ani ng batang paslit.

Ilang saglit pang di ko na namalayan na napapasarap na pala ang aming kwentuhan, ang dami kung natutunan sa kanya, oo bata lamang siyang tignan ngunit subalit ang kanyang isipan ay hinubog na ng panahon. Masaya ako at kahit papaano ay nakatulong ako sa maliit na paraan na sa tignin ko ay tama.

Pero bago pa matapos ang aming kwentuhan at maubos ang isang tasang kape, nag-iwan siya ng isang palaisipan sa akin, sinu nga ba itong batang ito?

Di ko nalayan na umalis na siya ng parang bula anino'y namalikmata lamang ako.





Friday, January 24, 2014

Ika dalawaput isang paglalakbay : Biglang Liko

Ang lamig ng gabi ay talaga naman nakakagigil at di mo mawari kung paano ito malalaban.

Pumunta ako balkonahe ng aking bahay upang makapag-isip ng mga iilan mga bagay at alamin kung paano nga ba matatangal itong lamig na ito sa akin katawan.

Dahil sa di ko makatiis ay pumunta ako sa kusina upang magtimpla ng kapeng barako para kahit paano ay mapawi nito ang lamig sa aking katawan pagtapos ay bumalik ako sa balkonahe upang tignan ang mga taong dumaan sa kalye, ang kalye kung saan maraming nagaganap!

Bata pa lamang ako ay naging palaruan ko ang ang kalye aking tinitignan, marami akong alaala dito pero ang isa sa mga di ko makakalimutan ay kung saan may nakilala akong isang magandang estranghero. Sa aking pagkakatanda nasa ika siyam na baitang na ako dito kung saan naghahanap ang aking katawan ng isang milagro.

Dahil na rin siguro dala ng kabataan ko at gusto sumubok sa iba't-ibang mga bagay kaya naman sumama ako sa magandang dilag na iyon hindi ko mawari kung anung ginawa niya sa aking upang ako'y mapasunod niya hanggang sa umabot na kami sa likuan ng kalye kung saan matatanaw muna ang isang lumang gusali. Gusaling anino'y niluma na ng panahon dahil sa anyo nito.

Di ko na alam na unti-unti na pala kami magkalapit animo'y alam na ng katawan ko kung anu ang dapat gawin sa kanyang harapan, ika nga nila andyan na ang palay at handa ng tumuka ang manok. Unti-unti nababawasan ang aming mga samplot kasabay nito ang di matigil na halikan akala mo ay may kasamang magmamahal. Dahil sa bilis ng pangyayari ay nagising na lamang ako sa isang malambot na kami at katabi ko pa rin ang magandang dilag na ito. Habang ako naman ay litong-lito sapagkat di ko alam kung tama nga ba ang aking ginawa sapagkat pinalaki akong mayroon respeto sa babae, kahit anu pa man ang kanyang katayuan sa buhay ngunit marahil dahil na rin sa kuryusidad kaya ko iyon nagawa. Pero may isang bahagi sa akin utak na nagsasabing mainam lamang yan sapagkat natural lalaki ka kaya nagawa mo ang bagay na iyon at siguro naman akong nasarapan ka sa bawat indayog ninyo sa kama, hindi mo ba napansin na pagod na pagod ka at tignan mo hanggang ngayon ay naghihina pa ang babaeng iyong nasa tabi.

Dahil di ako makatiis ay bigla na lamang akong nagbihis ng aking mga damit anino'y iniwan ang magandang dilag at tinatro na lamang bilang isang mababang uri o mas kilala bilang isang babaeng kalapati.

Dali-dali akong tumakbo patungo sa aking tahanan upang maligo dahil di ko gusto kung anuman ang aming ginawa ng araw na iyon, araw na nagpatuliro sa aking isipan.

Tuesday, January 21, 2014

Ika-dalawampung paglalakbay : Halingling ng gabi

Maganda at masarap ang simoy ng hangin ngaun unang buwan ng taon anino'y para kang nasa ibang bahagi ng mundo dahil sa di tamang klima na nararanasan natin ngaun, ito din ang panahon kung saan masarap matulog na lamang sa apat na sulok ng iyong silid tulugan at namnamin ang lamig ng hangin.

Ngunit subalit may mga bagay talaga na di mo kaya pigilan sa kahit anu pa man dahilan nito, dahil hahanap-hanap ng iyong katawan ang init nito, init na animo'y magtatanggal ng lamig sa iyong katawan na siyang magiging dahilan nito upang maging sabik sa bawat indayog nito.

Thursday, January 16, 2014

Ikalabing - siyam na paglalakbay : Segundo

"walumpu’t anim na libo apat na raan ang nasa palad ko, walumpu’t anim na libo apat na raan pano ko gagamitin to parang hangin dumaan at naglaho, salamat sa diyos bukas may panibago, walumpu’t anim na libo apat na raang segundo, di ko na sasayangin to" isa ito sa mga naging paborito kung awitin ng nagdaan mga araw, di ko mawari kung bakit, siguro dahil sa mga nagaganap sa akin ngayon, dahil ang bilis-bilis ng oras may mga bagay na di mo na napapansin dahil sa bilis ng panahon, may mga pagkakataon pa nga na di mo na alam kung anu na nga ba ang araw ngaun.

Monday, January 13, 2014

Ikalabing - walong paglalakbay : Nagpagpo ang puso at isip

Sa ating mundo ginagalawan di natin tiyak ang mga bagay-bagay lalo na ngaun ang bilis ng takbo, may mga pagkakataon na lamang na nag-iisip ka na lang para sa ikakabuti at ikakasaya ng lahat ngunit walang kunsultasyon mula sa puso mo, tama ako hindi ba? Minsan may pagkakataon na lamang na gusto mo lamang makibagay o makisabay sa agos ng panahon o ng iyong mga kabigan sapagkat iyon ang gusto ng nakararami pero kung iyong titigbangin ito ay may parte ng iyong puso na nagsasabing mali o may kulang o hindi ka kuntento sa iyong pinaggagawa o pag-agos nito?

Tuesday, January 7, 2014

Ikalabing-pitong paglalakbay : Maselang Bahaghari

Sinu nga ba ang hindi nakakaalam ng kantang "Maselang Bahaghari", sa aking tingin wala lalong-lalo na kung saan masarap pakingan ito kapag ikaw ay nalulumpay sa isang tabi ika nga ng kantang ito, "Maselang bahaghari sa aking isipan,'Wag kang mabahala di kita malilimutan,paglipas ng ulan ay mapapangiti ang araw
'Wag sanang mawala ang maselang bahaghari" hindi ba? ang sarap, sarap sa pakiramdam pagnaririnig mo ang awitin ito.

Bakit nga ba ito ang napili kong pamagat sa aking bagong poste? Simple lang naman ika nga ng kanta kung may mga problema o mga suliranin sa sa buhay na mabigat, siguro naman ako malalagpasan mo lalo-lalo kung may tiwala ka sa may kapal hindi ba?

Hindi ko alam kung bakit anu napatipa sa araw na ito marahil nagkaroon ako ng lakas ng loob na pagpalabas ng ilan sa mga bago na aking napapansin sa paligid maging sa mundo ng tinatawag na "cyberspace", hindi ko mawari kung bakit nga ba karamihan sa mga kabataan ngaun ay mas binibigyan ng importansya ang mga problema na maliliit lamang kung tutuusin hindi naman dapat iyon problemahin hindi ba? Sapagkat sabi nga nila sumunod ka lamang sa agos ay darating din ang punto na magiging ok din ang lahat sa bandang huli.

Kaya ikaw kaibigan kung may mga problema ka, dumulog ka lamang sa may kapal at siguro akong matutulugan ka niya, hindi man agad-agad na makakamit ito darating naman sa tamang oras, pagkakataon at lugar.

larawan nakuha sa imahe ng google

Friday, January 3, 2014

Ikalabing-anim na paglalakbay : Unang Putok, Unang Dugo

Isang masaya at mapagpalang bagong taon sa ating lahat, nawa'y bigyan tayo ng lakas unang maging masaya at malagpasan natin ang anumang unos na darating sa atin sa pagpasok ng taong ito.

Kahit minsan sa dati ng naging problema natin dapat pa rin tayong magpasalamat sapagkat nalagpasan natin ang nagdaan taon.

Anu nga ba ang kwento ko ngaun bagong taon? Patuloy pa rin ba ang pagiging malungkutin ko sa kabila ng nakikita ng lahat sa aking masayahing mukha? O mas magiging maayos at mapili na ako sa mga taong magiging kasama mo sa paglalakbay na ito?

Sana nga ng iba minsan di na natin alam kung sinu nga ba ang huwad o totoo sa dati ng ating nakikilala sa ating paglalakbay, ika nga nila minsan kung sinu pa ang naging malapit sa iyo ay siya pa ang sisira ng tiwala mo.

Pero para sa akin huwad man o totoo ang mga nakakasalamuha ko ay ayos lang basta wala lang ginagawang labag sa mata ng Dios at tao hindi ba?

Bakit nga ba ganito ang titulo ng aking poste ngaun? Simple lang naman dahil alam naman natin na pagsapit ng bagong taon maraming nadadali ng mga paputok dahil sa hindi wastong paggamit nito ay mas tamang sabihin na walang dispilina hindi ba? Kung tutuusin naman ay pude naman nating ganapin o salubugin ang bagong taon na walang nasusugatan dahil kung titignan mo ang ibang bansa wala silang mga natamaan hindi ba?

Sana habang tumatagal ang takbo ng panahon ay matuto naman tayo sa mga nangyayari sa paligid, hindi porke alam natin na ang isang bagay ay di na tayo makikinig sapagkat nagmamarunong tayo.

Ika nga nila walang taong nabubuhay para sa sarili lamang..

So paano hanggang dito na lang muna ang paglalakbay kung ito, magkita na lamang tayo sa susunod.