Tuesday, September 13, 2011

5 & Up


Isa sa mga sikat na palabas pambata noong 90's ang 5 & Up na nagsimula dahil sa programang The Probe Team na nilikha sa pangunguna isang sikat at batikang journalist na si Cheche Lazaro, ayon sa aking pagkakatanda nagsimula daw ang 5 & Up dahil noong panahong iyon ay kakaunti o sabihing natin na iilan pa lamang ang mga programa sa telebisyon ang nagkaroon ng dokumentary program na tumutukoy sa mga suliranin sa ating bansa at dahil nga bago ito maraming mga kabataan ang nahumaling sa palabas na ito at dahil sa naging patok ito sa mga kabataan at di lang yun naging dahilan din ito upang pag-usapan ng mga kabataan ang mga nangyayari sa kanilang paligid.

At dahil nga doon eh nagkaroon ng isang audition para sa The Probe Team Kids Edition na kalaunan ay naging 5 & Up ito. At dahil naging patok ito sa panlasa ng mga masa maraming ga gumawang mga program katulad na lamang ng Jr. Tv Patrol sa Abs-Cbn at News Watch Junior Edition sa RPN9.


Sinu ba naman ang di nakakakilala sa mga naging membro ng 5 & Up tulad na lamang nila Atom Araullo na ngayon ay isa ng ginagalang at mahusay na field reporter ng Abs-Cbn News, Si Chynna Ortaleza na mas naging kilala sa Teen Oriented Show na CLICK , ang magkapatid na Rodjun Cruz na nagtratarabaho sa Kapatid Network na TV5 bilang Artist, Rayver Cruz na naging magaling na Tv performer sa Kapamilya Network na Abs-Cbn at si Maxene Magalona na isa sa mga sikat na Leading Lady ng Kapuso Network na GMA7.
At kung di rin ako nagkakamali eh nagsimula sila sa Network ng ABC5 na ngayon ay kilala na bilang TV5 at lumipat sila sa Gma7 kasama ng kanilang Probe Team Family ngunit dahil nagkaroon ng di magandang comunication sa The Probe Family ay muli silang bumalik sa ABC5 at ang Gma7 naman ay nagproduce ng sariling nilang version ang Chikiting Patrol.

Bakit ko nga na blog ang tungkol dito sa 5&Up at anu ang kinalaman nito sa aking munting journey simple lang naman, dahil habang ako'y nag-aayos ng aking Photo Album ay nakita ko ang mga ilang piraso ng larawan ng 5&Up at bigla ko lang naalala ang nakaraan at ang mga simple kwento tungkol dito.
Ayon sa kwento ng aking ama noon, laki daw ako sa salitang Ingles dahil nga madalas eh mga kapamilya ng aking ina ang aking nakakasama at halos lahat sila ay nagtratrabaho o di kaya ay nakatira na sa Estados Unidos kaya naman madalas ay sa Ingles nila ako kinakausap at totoo nga iyon, dahil tuwing ako'y uuwi sa aming probinsya (sa father side) sa Pampanga eh madalas akong asarin ng aking mga tito't tita dahil pagkinakausap nila ako eh sa salitang Ingles, kaya naman di na ko nagtataka kung bakit ganun ang asar nila sa akin.

Dahil nga naging patok sa panlasa ng mga pinoy ang programang 5&Up ay nagkaroon ito ng Audition para sa mga batang gusto maging parte ito, kaya naman wala daw sinaksayang panahon ang aking ama upang maging parte ako ng programang ito (sa mga panahon ito ay ok pa ang aking salita dahil nagthetheraphy pa ko nito nahinto lamang ang aking theraphy dahil sa laki ng gastos at di naman kami mayaman,umaasa lang kami sa mga donors/sponsors ng mga panahon yun).

At sa aking pagkakaalala ay naging parte nga ako ng programa ngunit di naman naging matagal ito sapagkat masyadong malayo at stressful sa parte ko, dahil nga nathetheraphy ako at the same time ay nag-aaral pa ako, kaya naman di matagal ang aking paglabas, pero syempre naging masaya naman ang aking karanasan ng mga panahong kasama pa ako sa programang ito dahil marami akong nakilalang mga bagong kaibigan at nalaman sa mga lugar na aming mga pinupuntahan, sabi nga ng aking ama noon ako daw ang madalas magpresinta na mag-oopening sa programa at mabilis na makamemorya ng mga napakahabang linya para sa mga segments program nito.
Tuwing naaalala ko ito di ko maiwasang isipin na naging normal na bata rin pala ako noong mga panahong iyon at di lamang basta bata dahil naging parte din pala ako ng isa sa mga pinakasikat na programa sa telebisyon ng late 90's.
At syempre masaya ako dahil di ko lubos na maisip na sobrang confident pala ako noon na yung tipong on the go ako kahit na alam ko na maraming mga bata ang nakatingin sa aking upang laitin o kaya naman ay pababain ang aking confident, masaya rin ako kahit paano pala ay iba ang aura o outcome ng mga pinaggawa ko noong bata pa ko.
Sana di nagbago ang mga ganitong ugali ko, pero sabi nga nila everyting will change except the word change, pero syempre may kasabihan din na lahat ng nangyayari ay may dahilan at ang dahilan na yun ay maganda at sa ikabubuti mo din.

So paano hanggang dito na lamang ulit ako.

Hanggang sa susunod na paglalakbay na lamang ulit.