Thursday, June 28, 2012

Si Juan at Pedro

Matagal-tagal na rin pala simula noong huling sulat ko dito sa aking munting journal. Andito naman ako para maglabas ng kaunting sama ng loob.

Simulan natin sa simple problema, Kailan ba naging parehas si Juan at Pedro? Kasi madalas napapa-isip ako bakit ganun ang mga tao sa ating paligid, mas kinukumpara nila ang sarili nila sa ibang tao, di ba pudeng ikumpara na lamang nila ang sarili nila, halimbawa, kung paano nila lalong mapapahusay ang kanilang gawain sa araw na ito at sa susunod na bukas, di ba? Hindi yun buti pa siya maganda ung trabaho niya samantalang ganito lang, kung tutuusin wala naman talaga masama dun, na magkumpara para sa ikauunlad ng iyong sarili di ba?

At sana mas maging positibo na lamang tayo sa ating buhay...


Ika nga nila.. Kapit ka lang, wag kang bibitaw..






Tuesday, June 5, 2012

Ikawalong paglalakbay : Pangakong Napako

Hunyo na pala, di ko namalayan ang bilis ng pagpalit ng buwan, parang kailan lang Enero pa lang.

Ilan buwan na din ang nakakaraan noong napag-usapan natin ang iyong pagdating dito sa Pinas, sabi mo pagdating mo ako ang iyong una mong nanahapin, pero anu na lamang tong nabalita ko na asa Pinas ka na pa, ilang araw ka na pala andito sa bansang sinilangan, kung di pa ako binulungan ng isang kaibigan di ko pa malalaman na andito ka na pala.

Nangako ka na pagdating mo tayo ang unang mag-uusap, pero bakit di nangyari ang ganun, ang dami ko pa naman kwento sayo.

Sana di mo na lang sinabi sa akin na uuwi ka kung di ka man lang magpapakita at kung di mo rin lang tutuparan ang iyong pangako.

Pero kagaya ng dati, umasa ako magkikita tayo bago ka umalis pero kagaya ng nangyari wala na aalis ka na mamayang gabi, wala na di nanaman tayo makakapag-usap ng maayos, di ko na makwento ang mga masasayang pangyayari sa akin sa mga nagdaan buwan..

Pero sana sa susunod na mangangako ka, siguraduhin mo lang na tutuparin mo dahil umaasa ako sayo dahil ikaw pa rin ang nakakatandang kapatid ko...