Sabi nga ng isang kanta "Heto na naman tayo parang kelan lang ang huli, gaano man kalayo tayo’y pinagtatagpong muli", isa na siguro mga kanta na nagbigay sa akin ng masaya ay malungkot na damdamin, masaya sapagkat magtatapos na ang taon, mawawala na ang hirap at pasakit na aking naramdam sa taong lilipas, malungkot sapagkat may mga bagay talaga na kahit anung limot na iyong gawin ay di pa rin masaya, kahit sabihin ng isip mo na ayaw muna ngunit kung ang puso mo naman ay nagsasabing tuloy pa rin.
Mahirap isipin pero ang taong 2013 na siguro ang masasabi kung umaapaw na paglalakbay (di ko man naisulat dito) sapagkat marami din akong mga lugar na napuntahan sa loob at labas man ng kamaynilaan, maraming nakilala mga nilalang mabuti man o hindi. May mga bagay na ding natutunan sa bawat pagkumpas ng oras, minsan naiisip ko na lang "anu nga kaya kung di ako ganito, mas madami kaya akong nakilala? mas binibigyan kaya nila ng halaga ang opinyon o kuro-kuro ko? o kung di ako ganito ngaun nakilala mo ba ang mga naging malapit o kakilala sa mundo ng blog?" madami naglalaro sa akin isipan habang nagtitipa ako ngaun, di ko nga alam kung anu ang aking naisip kung bakit ako biglang nagtipa dito, marahil siguro na gusto kung ipaalam na mahalin natin ang buhay natin sapagkat isa beses lamang tayong nabubuhay sa mundong ating ginagalawan. Kung tutuusin dapat wala na ako sa mundong ito sapagkat noong nakalipas na buwan ay muntik na akong mamatay dahil na rin siguro ay mga ilan bagay, sapagkat gabi na rin yun noong may pupuntahan akong isang piging sa lungsod ng Maynila kung saan tatawid na sana ako doon ng bigla na lamang may isang mabilis na itim na sasakyan ang bumangga sa akin, oo bumagga malakas ang impak ng pagtama sa akin dito, buti na lang ay di ako gaanong nasugatan at salamat din sa bumangga sa akin sapagkat napakabait niya tinanong pa niya ako kung may masakit pa sa akin, ang sabi ko na lamang ay wala kahit na mahilo-hilo na ako sa mangyayari at kailangan ko ng pumunta sa piging bago ako mahuli (oo mas importante ang piging kaysa sa buhay ko) di ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa akin bibig, marahil nagpapasalamat na lang ako at buhay pa ako kahit na paminsan-minsan may masakit sa aking katawan.
At katapusn na dito ko alam kung masaya ako sapagkat nararamdaman ko na maraming pagsubok na darating sa taong 2014 at kung anu man yun sana kaya kung lagpasan kagaya ng pagtawid sa isang malaking kalsada kaya ng mga nagbibilisan mga sasakyan.
Hanggang dito na lamang muna ang aking paglalakbay, patawad kung magulo ang pagkakalahad ng kwento (kung meron man akung mangbabasa) hanggang sa muling pagtipa ng aking mga daliri.
Larawan ay mula sa imahe ng google.com