Di ko na namalayan na paubos na pala ang kapeng aking tinimpla, masakit man alalahanin ang bawat sakit ng nakaraan pero ito naman ang magiging sandata ko para naman sa hinaharap, hindi ba?
Dahil wala na ang tinimpla kung isang tasang kape ay naisipan kung tumakbo muna sa kalsada tutal masarap naman ang hangin ngaun malamig, malamang mas lalong mapapasarap ang aking pagtulog.
Paglabas ko pa lamang sa aking bahay nagulat ako sapagkat may mga batang nakahiga sa pinto, di ko malamang kung anu ang aking gagawin, itataboy ko ba siya o tutulugan sapagkat ramdam ko ang kanyang paghihirap sa ganyang kalagayan, kaya naman dali-dali ko siyang ginising upang tanungin ng iilang mga bagay mabuti ng makasiguro.
Bata, anung ginagawa mo sa ganitong oras ng gabi at nariyan ka pa sa harap ng aking tahanan, sabi ko.
Hermano, paumanhin po sa aking ginawa sapagkat wala akong natutuluyan ngaun dahil lumayas po ako sa aming tahanan. ani ng bata.
Ako naman nag-isip-isip sapagkat mukhang may pinag-aralan ang batang ito base na rin sa aking pananalita at paggamit ng wikang espanyol, kung tutuusin iilan lamang sa mahihirap na bata ang gumagamit, kaya naman di ako nag-aksaya ng panahon na tanungin ulit sya kung anu nga ba ang tunay na nangyari sa akin at kung bakit siya umalis sa kanilang tahanan.
Maari ko bang malaman ang dahilan kung bakit ka lumayas sa iyong tahanan iha at mukhang di ka lamang isang ordinaryong paslit sapagkat marunong kang gumamit ng wikang espanyol. ani ko
Tama mo ang iyong tinuran hermano sapagkat may lahi po aking Espanyol, parehas pong Espanyol ang aking mga magulang ngunit lumaki po ako dito sa Pilipinas kaya kahit paano ay bihasa na rin ako sa paggamit ng wiking tagalog. ani ng batang paslit
Mabuti naman kung ganun, ngunit di mo pa sinasagot ang aking ikalawang katanungan, anung nangyari at bakit ka lumayas sa iyong tahanan iha? ani ko
Sapagkat hermano nagkaroon ng malaking pagtatalo ang aking mga magulang at mayroon po akong natuklasan na di ko maatim na magagawa ito ng aking ama. sabay iyak ng batang paslit.
Oh siya bata, tumahan ka diyan, di ko na aalamin kung anuman yang bagay na iyan sapagkat problemang pampamilya na iyan. sabi ko.
Salamat mo hermano. ani ng batang paslit.
Ilang saglit pang di ko na namalayan na napapasarap na pala ang aming kwentuhan, ang dami kung natutunan sa kanya, oo bata lamang siyang tignan ngunit subalit ang kanyang isipan ay hinubog na ng panahon. Masaya ako at kahit papaano ay nakatulong ako sa maliit na paraan na sa tignin ko ay tama.
Pero bago pa matapos ang aming kwentuhan at maubos ang isang tasang kape, nag-iwan siya ng isang palaisipan sa akin, sinu nga ba itong batang ito?
Di ko nalayan na umalis na siya ng parang bula anino'y namalikmata lamang ako.
Monday, January 27, 2014
Friday, January 24, 2014
Ika dalawaput isang paglalakbay : Biglang Liko
Ang lamig ng gabi ay talaga naman nakakagigil at di mo mawari kung paano ito malalaban.
Pumunta ako balkonahe ng aking bahay upang makapag-isip ng mga iilan mga bagay at alamin kung paano nga ba matatangal itong lamig na ito sa akin katawan.
Dahil sa di ko makatiis ay pumunta ako sa kusina upang magtimpla ng kapeng barako para kahit paano ay mapawi nito ang lamig sa aking katawan pagtapos ay bumalik ako sa balkonahe upang tignan ang mga taong dumaan sa kalye, ang kalye kung saan maraming nagaganap!
Bata pa lamang ako ay naging palaruan ko ang ang kalye aking tinitignan, marami akong alaala dito pero ang isa sa mga di ko makakalimutan ay kung saan may nakilala akong isang magandang estranghero. Sa aking pagkakatanda nasa ika siyam na baitang na ako dito kung saan naghahanap ang aking katawan ng isang milagro.
Dahil na rin siguro dala ng kabataan ko at gusto sumubok sa iba't-ibang mga bagay kaya naman sumama ako sa magandang dilag na iyon hindi ko mawari kung anung ginawa niya sa aking upang ako'y mapasunod niya hanggang sa umabot na kami sa likuan ng kalye kung saan matatanaw muna ang isang lumang gusali. Gusaling anino'y niluma na ng panahon dahil sa anyo nito.
Di ko na alam na unti-unti na pala kami magkalapit animo'y alam na ng katawan ko kung anu ang dapat gawin sa kanyang harapan, ika nga nila andyan na ang palay at handa ng tumuka ang manok. Unti-unti nababawasan ang aming mga samplot kasabay nito ang di matigil na halikan akala mo ay may kasamang magmamahal. Dahil sa bilis ng pangyayari ay nagising na lamang ako sa isang malambot na kami at katabi ko pa rin ang magandang dilag na ito. Habang ako naman ay litong-lito sapagkat di ko alam kung tama nga ba ang aking ginawa sapagkat pinalaki akong mayroon respeto sa babae, kahit anu pa man ang kanyang katayuan sa buhay ngunit marahil dahil na rin sa kuryusidad kaya ko iyon nagawa. Pero may isang bahagi sa akin utak na nagsasabing mainam lamang yan sapagkat natural lalaki ka kaya nagawa mo ang bagay na iyon at siguro naman akong nasarapan ka sa bawat indayog ninyo sa kama, hindi mo ba napansin na pagod na pagod ka at tignan mo hanggang ngayon ay naghihina pa ang babaeng iyong nasa tabi.
Dahil di ako makatiis ay bigla na lamang akong nagbihis ng aking mga damit anino'y iniwan ang magandang dilag at tinatro na lamang bilang isang mababang uri o mas kilala bilang isang babaeng kalapati.
Dali-dali akong tumakbo patungo sa aking tahanan upang maligo dahil di ko gusto kung anuman ang aming ginawa ng araw na iyon, araw na nagpatuliro sa aking isipan.

Tuesday, January 21, 2014
Ika-dalawampung paglalakbay : Halingling ng gabi
Maganda at masarap ang simoy ng hangin ngaun unang buwan ng taon anino'y para kang nasa ibang bahagi ng mundo dahil sa di tamang klima na nararanasan natin ngaun, ito din ang panahon kung saan masarap matulog na lamang sa apat na sulok ng iyong silid tulugan at namnamin ang lamig ng hangin.
Ngunit subalit may mga bagay talaga na di mo kaya pigilan sa kahit anu pa man dahilan nito, dahil hahanap-hanap ng iyong katawan ang init nito, init na animo'y magtatanggal ng lamig sa iyong katawan na siyang magiging dahilan nito upang maging sabik sa bawat indayog nito.

Thursday, January 16, 2014
Ikalabing - siyam na paglalakbay : Segundo
"walumpu’t anim na libo apat na raan ang nasa palad ko, walumpu’t anim na libo apat na raan pano ko gagamitin to parang hangin dumaan at naglaho, salamat sa diyos bukas may panibago, walumpu’t anim na libo apat na raang segundo, di ko na sasayangin to" isa ito sa mga naging paborito kung awitin ng nagdaan mga araw, di ko mawari kung bakit, siguro dahil sa mga nagaganap sa akin ngayon, dahil ang bilis-bilis ng oras may mga bagay na di mo na napapansin dahil sa bilis ng panahon, may mga pagkakataon pa nga na di mo na alam kung anu na nga ba ang araw ngaun.
Monday, January 13, 2014
Ikalabing - walong paglalakbay : Nagpagpo ang puso at isip
Sa ating mundo ginagalawan di natin tiyak ang mga bagay-bagay lalo na ngaun ang bilis ng takbo, may mga pagkakataon na lamang na nag-iisip ka na lang para sa ikakabuti at ikakasaya ng lahat ngunit walang kunsultasyon mula sa puso mo, tama ako hindi ba? Minsan may pagkakataon na lamang na gusto mo lamang makibagay o makisabay sa agos ng panahon o ng iyong mga kabigan sapagkat iyon ang gusto ng nakararami pero kung iyong titigbangin ito ay may parte ng iyong puso na nagsasabing mali o may kulang o hindi ka kuntento sa iyong pinaggagawa o pag-agos nito?
Tuesday, January 7, 2014
Ikalabing-pitong paglalakbay : Maselang Bahaghari
Sinu nga ba ang hindi nakakaalam ng kantang "Maselang Bahaghari", sa aking tingin wala lalong-lalo na kung saan masarap pakingan ito kapag ikaw ay nalulumpay sa isang tabi ika nga ng kantang ito, "Maselang bahaghari sa aking isipan,'Wag kang mabahala di kita malilimutan,paglipas ng ulan ay mapapangiti ang araw
'Wag sanang mawala ang maselang bahaghari" hindi ba? ang sarap, sarap sa pakiramdam pagnaririnig mo ang awitin ito.
Bakit nga ba ito ang napili kong pamagat sa aking bagong poste? Simple lang naman ika nga ng kanta kung may mga problema o mga suliranin sa sa buhay na mabigat, siguro naman ako malalagpasan mo lalo-lalo kung may tiwala ka sa may kapal hindi ba?
Hindi ko alam kung bakit anu napatipa sa araw na ito marahil nagkaroon ako ng lakas ng loob na pagpalabas ng ilan sa mga bago na aking napapansin sa paligid maging sa mundo ng tinatawag na "cyberspace", hindi ko mawari kung bakit nga ba karamihan sa mga kabataan ngaun ay mas binibigyan ng importansya ang mga problema na maliliit lamang kung tutuusin hindi naman dapat iyon problemahin hindi ba? Sapagkat sabi nga nila sumunod ka lamang sa agos ay darating din ang punto na magiging ok din ang lahat sa bandang huli.
Kaya ikaw kaibigan kung may mga problema ka, dumulog ka lamang sa may kapal at siguro akong matutulugan ka niya, hindi man agad-agad na makakamit ito darating naman sa tamang oras, pagkakataon at lugar.
larawan nakuha sa imahe ng google

Friday, January 3, 2014
Ikalabing-anim na paglalakbay : Unang Putok, Unang Dugo
Isang masaya at mapagpalang bagong taon sa ating lahat, nawa'y bigyan tayo ng lakas unang maging masaya at malagpasan natin ang anumang unos na darating sa atin sa pagpasok ng taong ito.
Kahit minsan sa dati ng naging problema natin dapat pa rin tayong magpasalamat sapagkat nalagpasan natin ang nagdaan taon.
Anu nga ba ang kwento ko ngaun bagong taon? Patuloy pa rin ba ang pagiging malungkutin ko sa kabila ng nakikita ng lahat sa aking masayahing mukha? O mas magiging maayos at mapili na ako sa mga taong magiging kasama mo sa paglalakbay na ito?
Sana nga ng iba minsan di na natin alam kung sinu nga ba ang huwad o totoo sa dati ng ating nakikilala sa ating paglalakbay, ika nga nila minsan kung sinu pa ang naging malapit sa iyo ay siya pa ang sisira ng tiwala mo.
Pero para sa akin huwad man o totoo ang mga nakakasalamuha ko ay ayos lang basta wala lang ginagawang labag sa mata ng Dios at tao hindi ba?
Bakit nga ba ganito ang titulo ng aking poste ngaun? Simple lang naman dahil alam naman natin na pagsapit ng bagong taon maraming nadadali ng mga paputok dahil sa hindi wastong paggamit nito ay mas tamang sabihin na walang dispilina hindi ba? Kung tutuusin naman ay pude naman nating ganapin o salubugin ang bagong taon na walang nasusugatan dahil kung titignan mo ang ibang bansa wala silang mga natamaan hindi ba?
Sana habang tumatagal ang takbo ng panahon ay matuto naman tayo sa mga nangyayari sa paligid, hindi porke alam natin na ang isang bagay ay di na tayo makikinig sapagkat nagmamarunong tayo.
Ika nga nila walang taong nabubuhay para sa sarili lamang..
So paano hanggang dito na lang muna ang paglalakbay kung ito, magkita na lamang tayo sa susunod.

Subscribe to:
Posts (Atom)