Pula nga ba ang kulay ng pag-ibig? o kaya naman bakit nga ba pula ang kulay ng pag-ibig? Bakit hindi itim? puti? asul? o kaya naman ube?
Isa ito sa mga katanungan na minsan madaling sagutin lalong-lalo na kung naranasan mo na ang umibig ng wagas, sabi nga nila sa pag-ibig maraming nababago,binabago at nabago. Minsan di natin mawari kung anu nga ba ang tunay nararamdaman ng isang tao.
Pero sabi nila may dalawang dahilan kung bakit naging pula ang kulay ng pag-ibig. Una kung ikaw ay tinamaan ni kupido talaga naman mararamdaman mo ang lahat ng saya at tuwa, kumbaga nakikita ito sa aura ng isang tao at ang ikalawa ay kung nabigo ka sa pag-ibig sapagkat sinasalamin nito ang iyong damdamin kapag malungkot ka kumbaga may mga pagkakataon na bigla ka na lamang na umiiyak sa di maipaliwanag na dahilan hindi ba?
Ikaw sa tingin mo bakit nga ba kulay pula ang kulay ng pag-ibig?
Wednesday, February 12, 2014
Wednesday, February 5, 2014
Ika dalawampu't tatlong paglalakbay : Tiwala
Isa sa mga napakahalagang aspesto ng pagkakaibigan o maging sa higit sa isang kaibigan ang salitang "Tiwala". Tiwala na di hinihingi kundi kusang itong binigay sa nararapat na tao sa iyong buhay, hindi ba?
Ngunit paano kung ang tiwalang ibinigay mo ay binalewala ito, anung ang iyong gagawin?
Malalang mawawalan ka na ng ganang binigay ulit sa kanya ito lalo't kung ang iyong pinagbigyan ng tiwala ay isa sa mga naging malapit sa iyo? Ika nga nila minsan kung sinu pa ang itinuturing mong totoong kaibigan ay siya pa pala ang wawasak sa tiwalang ibigay mo ng lubusan.
Minsan naiisip ko na lamang kung bakit nga ba minsan ang bilis natin magbigay ng tiwala sa isang tao? Marahil likas na sa atin ito lalo na kung alam mo ang taong ito ang karapat-dapat. Pero dadating din sa punto na mapapaisip ka na lamang na, "Bakit nga ba?"
Sabi nga sa isang kanta ng Parokya ni Edgar, "Parang tiwala pag nasira na mahirap nang ayusin pa, di kayang ipagdikit ang tiwala pag napunit! Parang nangyari kailan lang..."

Subscribe to:
Posts (Atom)