Matagal-tagal na rin simula ng huling tipa ko dito sa aking munting mundo na ako ang gumawa, madami na rin pala ang nagbago simula ng nawala ako, pagbabago na maaring maging mabuti at masama.
Pero kagaya nga ng sabi ng karamihan, walang permanente sa mundo na ito, lahat ng bagay o lugar ultimo ang tao nagbabago kahit saan mo tignan.
Mahirap man aminin pero madami na rin pala ang nagbago sa aking paligid, di ko rin alam na ang bawat pahinga ko ay katumbas ng isang taong buhay, mahirap man intindihin pero sabi nga nila di mo naman kailangan intindihin ito, damhin mo lamang at ituloy ang ang agos ng buhay pero paano nga ba magpapatuloy ang agos ng buhay ng isang tao kung alam mo na sa iyong sarili na may mga bagay na hindi na maari pang mangyari sa hinaharap?
Pero katulad ng isang linya sa isang pinilakang tabig di natatapos ang lahat sa isang lungkot, lahat ng bagay may saya, pero paano ka nga ba sasaya kung alam mo na kaunti na lamang ang natitirang buhay mo sa mundo, hindi ba?
Pero syempre bakit mo naman iisipin pa ang buhay na maikli kung maari mo naman itong sulitin sa bawat oras, minuto o segundo!
Sa bawat araw na lumilipas maaring maraming pagbabago pero sana wag ka sumabay sa pagbabago na iyon sa pagkat maaari ang pagbabago na iyon ay makasama sa iyo, sa atin?! Dahil may mga pagbabago na hindi natin gusto o mas tamang sabihin na ayaw natin gawin dahil alam natin na ang pagbabago na iyon ay maaring ikasira natin, na maaring di na tayo ulit magtampo pang muli.
Sa bawat tibok ng iyong puso dapat sundin pero sabi nga nila gamitin mo rin ang iyong utak, kaya nga mas mataas ito sa puso sapagkat may mga bagay na mas mainam na ayusin muna bago damhin ito.
Pero paano kung minsan tuso ang puso, puso na maaring naging manhid na sa lahat ng bagay ngunit ang utak ay naging bukas naman sa mga posibilidad? Anu nga ba ang dapat sundin sa dalawa?
Hanggang dito na lamang ang aking munting kwento.