Sabi nga ng karamihan ang pagpunta sa isang cafe ay nagiging isang lifestyle na lalo na ang mga kabataan ngaun lalo't pang ang dami-dami ng nagsisilabasan na parang mga kabute. Pero paano mo nga ba malalaman kung worthy pa ang pagstay o pagkain o pag-inom ng isang tasang kape sa kanilang cafe.
Marahil sasabihin ng isang ordinaryong tao bakit nga ba nahuhumaling ang mga kabataang ito sa isang tasang kape kung tutuusin naman 3 in 1 na kape ay pasado na, iba yung panahon namin kaunting kwentuhan lamang sa veranda, swak na ang bonding. Pero kung titignan mo nga namang ang lifestyle ng mga kabataang katulad ko (oo pagbigyan ninyo na ko bata pa ko haha), pumunta sila sa cafe di dahil sa pagkain o sa kanilang inumin kungdi dahil sa karanasan mismo sa loob ng cafe.
Aaminin ko isa ako sa mga madalas na laman ng mga cafe sa iba't-ibang sulok ng kamaynilaan di dahil sa may mga freebies dito kungdi masarap magsulat sapagkat tahimik at kung kasama ang mga kabarkada mo na talaga naman na mas nagiging mas masaya pa ito.
Sa isang tasang kape na inorder ninyo bawat isa ay matagal maubos di dahil tinitipid ninyo ito kungdi dahil mas maraming kwentuhan na nagaganap kumpara sa pag-inom, minsan pa nga mas matagal pa ang oras ninyo sa cafe kumpara sa mga ordinaryong mga araw na magkakasama kayo, hindi ba?
Marahil masasabi kung naging maganda rin ang epekto ng pagkakaroon ng mga cafe sa isang lugar sapagkat mas mga bagay talaga na sa cafe mo lamang ito mailalabas.
So paano hanggang dito na lamang ang aking kwento patungkol sa cafe.
Malay madalas na pala tayong magkita, di lang natin napapansin.