Sabi nila lahat ng tao sa mundong ito ay may mga problema nasa iyo na lamang yun kung paano mo aayusin pero may mga problema na talaga na indi mo alam kung paano nga ba ayusin lalo pa ang problemang iyon ay hindi naman talaga nagmula sa iyo kungdi ipinasa lamang, ika nga nila problema ko solusyunan mo, oo masakit mang isipin pero parang ganyan ang ang nararanasan ko ngaun sa puntong ito sapagkat di ko mawari kung anu ba ang problema nila at bakit kailangan lagi na lamang akong mag-aayos ng mga gusot nila sa buhay? Di porke isa lamang akong litralista at masasabing nagtratrabaho sa isang malaking kumpanya ay ako na lamang ang aako sa mga problema nila. Di ba nila na isip na may mga problema din akong dinadala at hanggang ngaun ay di ko pa rin alam kung kaya ko nga bang itong bigyan ng solusyon. Lalo na ngaun na di ko alam kung anu nga ba ang nangyayari sa katawan ko sapagkat may mga bagay na bigla na lamang akong inaatake nito.