Sabi nila lahat ng tao sa mundong ito ay may mga problema nasa iyo na lamang yun kung paano mo aayusin pero may mga problema na talaga na indi mo alam kung paano nga ba ayusin lalo pa ang problemang iyon ay hindi naman talaga nagmula sa iyo kungdi ipinasa lamang, ika nga nila problema ko solusyunan mo, oo masakit mang isipin pero parang ganyan ang ang nararanasan ko ngaun sa puntong ito sapagkat di ko mawari kung anu ba ang problema nila at bakit kailangan lagi na lamang akong mag-aayos ng mga gusot nila sa buhay? Di porke isa lamang akong litralista at masasabing nagtratrabaho sa isang malaking kumpanya ay ako na lamang ang aako sa mga problema nila. Di ba nila na isip na may mga problema din akong dinadala at hanggang ngaun ay di ko pa rin alam kung kaya ko nga bang itong bigyan ng solusyon. Lalo na ngaun na di ko alam kung anu nga ba ang nangyayari sa katawan ko sapagkat may mga bagay na bigla na lamang akong inaatake nito.
Minsan masarap umiyak pero sa tingin ko mas masarap na matulog na lamang para hindi mo na paramdaman ang problema at sakit na iyong nararamdaman. Oo, alam ko na dapat harapin ang problema sapagkat maari ito ang magbigay sa iyo ng isang opurtunidad upang mas makilala mo ang iyong sarili at mas bigyan mo ng pansin ang nangyayari sa iyong paligid, ngunit paano mo nga ba ito gagawin kung sa tignin ng iba na ok ka naman at masaya sa bawat araw na nagdadaan.
Oo ngumingiti ako sa bawat araw pero sa likod ng mga ngunit na iyon ang sakit at mga batong animo'y ayaw matangal at mukhang dumadami pa ito sa bawat araw na dumadaan.
Minsan naisip ko na lamang sana hindi na lamang ako dumaranas ng ganito sapgakat alam ko naman sa sarili ko na mahiya ako, oo mahiya ako sa kabila ng mga ipinapakita kung lakas at katatagan sa buhay.
Ikaw paano mo nga ba hawakan ang iyong problema?
So paano hanggang sa muli na lamang nating pagkikita.
No comments:
Post a Comment