Showing posts with label Bestfriend. Show all posts
Showing posts with label Bestfriend. Show all posts

Friday, November 9, 2012

Ikasampung paglalakbay : Lumbay

Sabi nila ang buhay ay parang roller coaster, masaya,malungkot,nakakatakot,eksayting.

Tama nga naman sila kasi di naman lahat alam kung anu ang mangyayari sa atin sa bawat pagpalit ng araw. Kaya dapat gawin mo itong makabuluhan at masaya,ika nga eh maikli lang ang buhay para mastress ka sa problema.

Anu nga ba ang punto ko kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon, simple lang naman, gawin mo kung anu sa tingin mo ang tama at nagpapakasaya sayo dahil di mo alam sa bawat araw ng ginawa ng Dios sayo, marami kang natutunan kung nagkamali ka simple lang ngumiti ka at sabihin mong "Ang galing mo talaga Lord tinuruan mo ako kung paano ulit tumayo sa aking pagdapa, the best ka."

Dahil alam naman natin na ang bawat problema ay may katapat na solusyon kaya nga tinawag na problema hindi ba?!

Pero syempre sa punto ng buhay natin di natin maiiwasan na hindi malungkot lalo na kung may mga bagay-bagay na di na maibabalik.

Ayy ewan ko, kung balik ko nga ba ito naisulat siguro namiss ko lang ang pagsulat dito ulit,medyo matagal-tagal na rin ng muling sulat ko dito eh.

Anu nga ba ang nangyari sa akin sa mga nagdaan buwan, masasabi ko madami, sobrang dami.......

Sa sobrang dami nito di ko alam kung paano ko ito isusulat o ikwekwento marahil dala na lang siguro ng pagkakataon kung bakit ako muling nagsulat sa pahinang ito upang ilabas ang ilan sa mga kaunting hinaing ko......

Isa na dito ang pagkamiss ko sa mga taong naging bahagi na ng aking simpleng buhay ang mga naging bespren ko.

Sa loob ng mahabang panahon na nalagi ko dito sa mundong ibabaw 3 lang ang maituturi kong bespren.

Simulan nating noong akong batang-bata pa...

Si Kenn, ni isang beses ata di pa namin na tinawag na bespren ang isa't-isa (maliban na lang noong kaarawan niya nung nakaraan buwan) siguro dahil di naman kailangan yung ganun tawag noong mga panahon na yun. Masasabi kong naging sobrang lapit namin sa isa't-isa yung tipong pag-uwi galing paaralan eh didiretso sa bahay ng isa upang magtulungan sa aming mga takdang aralin (kahit na matanda ako sa kanya ng ilang taon) pagtapos ng gawain takbo na sa labas upang maglaro ng kung anu-anu andyan na ang walang kamatayang holen,pabilisan ikutin ang buong villa,walang humpay na kwentuhan tungkol sa mga nakakatakot na bagay at kung di naman ang walang katapusan pagalingan sa paglalaro ng Marvel VS Capcom, hayss nakakamiss tuloy maging bata pagnaaalala ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay, walang masydong problema, hindi ba?

Sa ngaun nasa Estados Unidos na si Kenn, madalang na lamang kami pagpalitan ng mga kuro-kuro marahil dala na siguro ito ng magkaiba kami ng oras. Pero syempe pag may pagkakataon naman sinusulit namin yun andun pa rin ang asaran natin.


Hanggang dito na lamang muna ang kabanatang ito, itutuloy ko ito pagnagkaroon ulit ng pagkakataon.....


Tuesday, August 2, 2011

Bestfriend.....

Lets defined first what the meaning of friend, according to encarta....

friend [frend]

1.somebody emotionally close: somebody who trusts and is fond of another.

2.  acquaintance: somebody who thinks well of or is on good terms with somebody else.

3.ally: an ally, or somebody who is not an enemy.

4. advocate of cause: a defender or supporter of a cause, group, or principle.

Iyan ang mga salitang mababasa mo sa encarta kung anu nga ba ibang sabihin ng salitang friend, habang binabasa at sinusulat ko ito di ko magawang isipin ang mga bagay o pangyayari sa aking buhay, sabihin na nating naging masaya ito at naranasan ko ang mga ganitong bagay..

Simulan natin ito noong ako'y bata pa.

Its been a long time since nagkaroon ako ng bestfriend at sobrang tuwa ko yun dahil yung panahon na iyon ay iilan lamang ang aking mga kaibigan sa aming lugar.

Una kung nakilala si Jerome, isa syang half japanase tipikal na half japanase look at naging kaibigan ko siya dahil magkapitbahay lamang kami noong una akala ko suplado siya ngunit sabi nga nila di lahat ng 1st expression ay tama kaya naman naisipan ng aming yaya na ipakilala ako sa kanya dahil lagi na lang daw ako nagkukulong sa aking silid.

Kaya isang araw habang ako'y naglalaro ng sarangola eh doon eh nilapit siya ng aking yaya para makipagusap sa kanya noong una aaminin ko naiilang ako syempre ikaw pa naman eh laging bahay-assignment na lang ang kaharap mo (by the way nasa grade 1 na ko nito noong nakilala ko siya at loner ako ng mga time na yun) nagulat ako ng kausapin niya ko.

Nagclick kaagad kami dahil sa dami ng mga bagau-bagay na parehas kami at kung di ako nagkakamali eh ang dami kug natutunan na mga salita at kanya dahil sa kanya hinding-hindi ko makakalimutan ang kanta ng dunking donut "dunking donut tingaling ngaling poknut" ito ko ba kung bakit yun ang naalala ko sa kanya sa dami-dami ng mga kanta kinakanta namin.

At yun din ang time na nakatikim ako ng dunking dunot dahil lagi silang meron stock yun sa ref di ko alam kung bakit, di ko na rin natanung dahil nasarapan na rin ako sa pagkain na yun.

At syempre di ko rin makakalimutan ang mga house party namin kasama ng mga ilang kapatid niya simula na naging close kami lagi na ko nasa bahay nila iwan ko siguro dahil naging comfortable na ko sa company niya.

Minsan nga naglalaro pa nga kami ng mga baril-barilan sa loob ng kwarto niya kasama yung kapatid na babae na bunso medyo makulit at take note mahilig mangurot di ko alam kung bakit at medyo iyakin ng kaunti hehhee.

At minsan pa nga eh lagi na lamang siyang naiiwan na mag-isa sa bahay kaya ako naman to the rescue sa kanya at samahan siya hanggang dumating ang mama at kapatid niya.

Ngunit sabi ng nila bawat simula ay may katapusan...

Dahil nga nagrerent lamang sila ng bahay eh naisipan na lamang ng kanyang mama na lilipat na sila ng bahay, syempre lubos kung ikinalungkot ang bagay na yun at kung di rin ako nagkakamali eh almost 1 yr or mag 2 yrs din ang magiging magkaibigan namin, syempre nagulat ako kasi naman unang naging close friend ko eh aalis na pero sabi naman niya na dadalaw-dalaw naman sila sa akin.

Noong una medyo madalas ang magdalaw niya sa aking ngunit ng lumaon eh di na sila dumadalaw, na labis ko yung ikinalungkot pero sabi nga life goes on.

Ang sad part lang eh di ko alam kung asan siya ngaun dahil tuwing matatanong ako sa mga naging kaibigan ng kuya niya eh di nila matandaan kung anu ang family name nila kaya naman kahit anung gawin ko eh talagang wala na di ba?

--------------------------------------------

Ang ikalawang naging close friend ko eh si Pica (by the way may pagkaforeign blood din to di ko lang alam kung anu hahaha)actually di ko maalala kung papano kami naging close o naging kaibigan itong si Pica siguro dahil magkapitbahay kami kaya ganun.

By the way kilala rin niya din si Jerome dahil magkadikit ng naman sila ng bahay at syempre tambayan din namin din ang bahay nila noong araw ang memorable lang sa taong to eh madalas siyang mangtrip sa mga tao not in person ah kungdi sa telepono,paano simple lang kukuha yan ng isang directory tatawagan niya ang isang resto at oorder ng kung anu-anu at pag-itatanong na kung anu name natural iba name ang ibibigay niya at pag mageend na eh bigla na lamang niya itong sisigaw at ibaba ng pabagsak ang telepono imagine mo na lamang ang sakit sa tainga yun buti na lang kamo yun mga time na yun eh di pa uso ang caller id kung hindi yari siya sa tatay niya, pero syempre di lang naman yun ang mga masasayang memories na kasama ko siya madalas eh sabay pa nga kami gumawa ng mga assignment kahit na magkaiba kami ng school na pinapasukan at minsan pataasan din kami ng mga score sa mga quizzes namin kung sinu ang mababa eh manlilibre ng food syempre yun sa tindahan lang yun.

At dahil nauso din yung mga time na yung ang power ranger eh madalas kami naglalaro nun kasi meron siyang mga set ng power ranger na toys inggit na inggit nga ako sa kanya noon dahil ako simpleng mga laruan lang meron ako sabihin na nating pinaglumaan na ng panahon dahil pasa lang yun ng nakakatandang pinsan ko.

Kaya tuwang tuwa ako tuwing pupunta ako sa kanila noon.

At siya nga pala may kapatid siya nakalimutan ko na kung ang ang name yun basta dali ko yun niloloko kasi chubby at ang cute cute sarap kurutin ang pisngi at medyo matatakutin kaya minsan tinatakot ko siya kay chakie noon pagsinabi kong hayan na si chakie tatabok yan sa loob ng kwarto niya at magtatago, grabe ang tawa ko noon as in todo tawa.

Pero katulad ng una kong kaibigan na naging close ko eh umalis din sila sa kanilang bahay dahil nirerent lang din nila yun actually di ko nga alam kung kailan sila umalis yun eh,syempre naging malungkot din ako sa isip-isip ko lahat naman ng naging close ko eh iniiwan ko.

to be continue.....................