Sabi nila ang buhay ay parang roller coaster, masaya,malungkot,nakakatakot,eksayting.
Tama nga naman sila kasi di naman lahat alam kung anu ang mangyayari sa atin sa bawat pagpalit ng araw. Kaya dapat gawin mo itong makabuluhan at masaya,ika nga eh maikli lang ang buhay para mastress ka sa problema.
Anu nga ba ang punto ko kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon, simple lang naman, gawin mo kung anu sa tingin mo ang tama at nagpapakasaya sayo dahil di mo alam sa bawat araw ng ginawa ng Dios sayo, marami kang natutunan kung nagkamali ka simple lang ngumiti ka at sabihin mong "Ang galing mo talaga Lord tinuruan mo ako kung paano ulit tumayo sa aking pagdapa, the best ka."
Dahil alam naman natin na ang bawat problema ay may katapat na solusyon kaya nga tinawag na problema hindi ba?!
Pero syempre sa punto ng buhay natin di natin maiiwasan na hindi malungkot lalo na kung may mga bagay-bagay na di na maibabalik.
Ayy ewan ko, kung balik ko nga ba ito naisulat siguro namiss ko lang ang pagsulat dito ulit,medyo matagal-tagal na rin ng muling sulat ko dito eh.
Anu nga ba ang nangyari sa akin sa mga nagdaan buwan, masasabi ko madami, sobrang dami.......
Sa sobrang dami nito di ko alam kung paano ko ito isusulat o ikwekwento marahil dala na lang siguro ng pagkakataon kung bakit ako muling nagsulat sa pahinang ito upang ilabas ang ilan sa mga kaunting hinaing ko......
Isa na dito ang pagkamiss ko sa mga taong naging bahagi na ng aking simpleng buhay ang mga naging bespren ko.
Sa loob ng mahabang panahon na nalagi ko dito sa mundong ibabaw 3 lang ang maituturi kong bespren.
Simulan nating noong akong batang-bata pa...
Si Kenn, ni isang beses ata di pa namin na tinawag na bespren ang isa't-isa (maliban na lang noong kaarawan niya nung nakaraan buwan) siguro dahil di naman kailangan yung ganun tawag noong mga panahon na yun. Masasabi kong naging sobrang lapit namin sa isa't-isa yung tipong pag-uwi galing paaralan eh didiretso sa bahay ng isa upang magtulungan sa aming mga takdang aralin (kahit na matanda ako sa kanya ng ilang taon) pagtapos ng gawain takbo na sa labas upang maglaro ng kung anu-anu andyan na ang walang kamatayang holen,pabilisan ikutin ang buong villa,walang humpay na kwentuhan tungkol sa mga nakakatakot na bagay at kung di naman ang walang katapusan pagalingan sa paglalaro ng Marvel VS Capcom, hayss nakakamiss tuloy maging bata pagnaaalala ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay, walang masydong problema, hindi ba?
Sa ngaun nasa Estados Unidos na si Kenn, madalang na lamang kami pagpalitan ng mga kuro-kuro marahil dala na siguro ito ng magkaiba kami ng oras. Pero syempe pag may pagkakataon naman sinusulit namin yun andun pa rin ang asaran natin.
Hanggang dito na lamang muna ang kabanatang ito, itutuloy ko ito pagnagkaroon ulit ng pagkakataon.....