Sabi nga ng isang kanta "Heto na naman tayo parang kelan lang ang huli, gaano man kalayo tayo’y pinagtatagpong muli", isa na siguro mga kanta na nagbigay sa akin ng masaya ay malungkot na damdamin, masaya sapagkat magtatapos na ang taon, mawawala na ang hirap at pasakit na aking naramdam sa taong lilipas, malungkot sapagkat may mga bagay talaga na kahit anung limot na iyong gawin ay di pa rin masaya, kahit sabihin ng isip mo na ayaw muna ngunit kung ang puso mo naman ay nagsasabing tuloy pa rin.
Mahirap isipin pero ang taong 2013 na siguro ang masasabi kung umaapaw na paglalakbay (di ko man naisulat dito) sapagkat marami din akong mga lugar na napuntahan sa loob at labas man ng kamaynilaan, maraming nakilala mga nilalang mabuti man o hindi. May mga bagay na ding natutunan sa bawat pagkumpas ng oras, minsan naiisip ko na lang "anu nga kaya kung di ako ganito, mas madami kaya akong nakilala? mas binibigyan kaya nila ng halaga ang opinyon o kuro-kuro ko? o kung di ako ganito ngaun nakilala mo ba ang mga naging malapit o kakilala sa mundo ng blog?" madami naglalaro sa akin isipan habang nagtitipa ako ngaun, di ko nga alam kung anu ang aking naisip kung bakit ako biglang nagtipa dito, marahil siguro na gusto kung ipaalam na mahalin natin ang buhay natin sapagkat isa beses lamang tayong nabubuhay sa mundong ating ginagalawan. Kung tutuusin dapat wala na ako sa mundong ito sapagkat noong nakalipas na buwan ay muntik na akong mamatay dahil na rin siguro ay mga ilan bagay, sapagkat gabi na rin yun noong may pupuntahan akong isang piging sa lungsod ng Maynila kung saan tatawid na sana ako doon ng bigla na lamang may isang mabilis na itim na sasakyan ang bumangga sa akin, oo bumagga malakas ang impak ng pagtama sa akin dito, buti na lang ay di ako gaanong nasugatan at salamat din sa bumangga sa akin sapagkat napakabait niya tinanong pa niya ako kung may masakit pa sa akin, ang sabi ko na lamang ay wala kahit na mahilo-hilo na ako sa mangyayari at kailangan ko ng pumunta sa piging bago ako mahuli (oo mas importante ang piging kaysa sa buhay ko) di ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa akin bibig, marahil nagpapasalamat na lang ako at buhay pa ako kahit na paminsan-minsan may masakit sa aking katawan.
At katapusn na dito ko alam kung masaya ako sapagkat nararamdaman ko na maraming pagsubok na darating sa taong 2014 at kung anu man yun sana kaya kung lagpasan kagaya ng pagtawid sa isang malaking kalsada kaya ng mga nagbibilisan mga sasakyan.
Hanggang dito na lamang muna ang aking paglalakbay, patawad kung magulo ang pagkakalahad ng kwento (kung meron man akung mangbabasa) hanggang sa muling pagtipa ng aking mga daliri.
Larawan ay mula sa imahe ng google.com
Monday, December 30, 2013
Thursday, November 7, 2013
Ikalabing-apat na paglalakbay : Parausan
Parausan isa yan katagang ginagamit ng isang taong walang alam kung di gamitin lamang ang isang tao para sa kanyang pansariling kaligayan.
May mga bagay sa mundong ito na masasabi mong naging parausan mo sa pandanliang kaligayahan.
Kagaya na lamang ng ginagawa ng isang ordinaryong tao dito sa mundo ay magparaos gamit ang makabagong teknolohiya, minsan di naman alam na nagpaparaos na pala tayo gamit ito sapagkat may mga bagay-bagay kang nakikita gamit lamang teknolohiyang ito kung baga ligtas ito sapagkat sinasaktan na tao o mahal sa buhay ngunit naisip mo na ba epekto nito sa iyong sarili dahil ang iyong ginagawang pagpaparaos ay di normal sapagkat inaabuso mo ang iyong sarili.
Sabi nga nila ang importanteng tao sa mundong ito ay ikaw yun kaya naman parapat lamang na respetuhin mo ang iyong pagkatao at iyong katawan..
Kaya naman kaunting respeto lamang sa iyong sarili.
Ngunit kung di mo naman ito kayang pigilan ay maari mo naman ituon ang gawain na ito sa ibang bagay, kung baga gumawa ka ng isang magandang gawain o di kaya naman tawagan mo ang iyong kaibigan at kamustahin mo siya kung anu na ba ang bago sa kanya, malay mo sa ganun paraan mawala ang bagay na iyong iniisip, ika nga nila mas magiging maganda ang iyong araw kung may natulugan kang tao kahit sa simpleng pag-uusap lamang dahil sa pag-uusap na iyon nailalabas ng isang tao ang kanyang mga saloobin masama man ito o mabuti.

Friday, September 6, 2013
Ikalabing-tatlong paglalakbay : Pagdurusa
Malayo-layo na rin ang aking nalakbay simula ng nagsulat ako dito sa mundong aking ginawa, marami na din mga pagsubok ang aking unting-unting nalalagpasan ngunit sabi nga nila ang mundo ay umiikot, di mo alam kung kailan matatapos at kung kailan magsisimula.
Dahil sa di mabilang na dahilan na nagsubok ay may di inaasahan na pangyayari ang naganap sa aking buhay na muntik ko ng ikawala sa mundo aking ginagalawan, mabuti na lamang at naagapan ito kung hindi marahil di na ako muling napagsulat.
Isa pangyari na maari kung akatuwa o ikalungkot, bakit? Simple lang ikatuwa sapagkat kahit papaano ay mababasawan na din ang sakit na aking dinadala at wala ng dapat pang isipin, ikalungkot sapagkat may mga bagay-bagay akong gusto kung gawin na di ko na maaring gawin dahil sa sakit na aking dinadala, mabuti na lamang kahit paano ay may natitira o may naitabi akong mga medisina para sa aking sakit upang maagapan ito.
At nagpapasalamat ako isang tao na kapareho ng aking sakit na nag-aalala din para sa aking lagay.
Isa lamang ang aking natutunan sa bagay na ito, ang pagdurusa ay isang malaking pagsubok sa isang taong maari mong ikatuwa o ikalungkot, maari mo din sabihing paraan ito ng Dios upang mas lalo mo pang makilala ang iyong sarili, ang mga tao sa iyong paligid at ang Dios.
Ika nga nila walang pagsubok na di kayang lagpasan lalo na kung alam mo sa sarili mo na kailangan mong mabuhay para sa iyong sarili.
So paanong hanggang dito na lamang ang aking kwento hanggang sa susunod na paglalakbay na lang uli.
Dahil sa di mabilang na dahilan na nagsubok ay may di inaasahan na pangyayari ang naganap sa aking buhay na muntik ko ng ikawala sa mundo aking ginagalawan, mabuti na lamang at naagapan ito kung hindi marahil di na ako muling napagsulat.
larawan nakuha kay google
At nagpapasalamat ako isang tao na kapareho ng aking sakit na nag-aalala din para sa aking lagay.
Isa lamang ang aking natutunan sa bagay na ito, ang pagdurusa ay isang malaking pagsubok sa isang taong maari mong ikatuwa o ikalungkot, maari mo din sabihing paraan ito ng Dios upang mas lalo mo pang makilala ang iyong sarili, ang mga tao sa iyong paligid at ang Dios.
Ika nga nila walang pagsubok na di kayang lagpasan lalo na kung alam mo sa sarili mo na kailangan mong mabuhay para sa iyong sarili.
So paanong hanggang dito na lamang ang aking kwento hanggang sa susunod na paglalakbay na lang uli.
Thursday, June 6, 2013
Ikalabing-dalawang paglalakbay : Ang kamatayan
Kamatayan, diyan tayo pupunta sa takdang panahon, ika nga nila una-una lamang yan, ang importante na paghandaan mo ang bagay na ito o di kaya naman ay nagawa mo na ang mga dapat mong gawin sa mundong ibabaw.
Minsan naiisip ko anu kaya kung walang kamatayan, kung wala ito malamang sa malamang sobrang dami tayo sa mundo, kung baga di maubos-ubos bagkus ay dumadami pa tayo sa mundong ito at kung nagkataon ay mas magiging magulo at mundong ating ginagalawan hindi ba? ang daming mundo hahahhaa...
Bakit nga ba nila kinakatakutan ang kamatayan? Eh kasi dahil may mga bagay pa sila na gustong gawin? Di pa nila natatapost ang kanilang bucketlist? Di pa sila mayaman? Di pa sila nagtatagumpay sa kanila mga larangan sa buhay?
Maaring oo o hindi lamang sa sagot sa mga tanung na ito, pero sana naisip din nila na ang buhay natin sa mundong ito ay hiram lamang, kaya't dapat sinusulit natin ito, gumawa tayo ng mga mabuting gawain, oo alam ko di perpekto ang mundo na ito pero kung maaari o kayang iwasan ang mga dapat iwasan hindi ba?
So paano hanggang dito na lang muna ang paglalakbay na ito, di ko alam kung bakit ko ito naisulat, siguro dala na rin ng aking nararamdam sa mga nagdaang mga araw.
Thursday, April 11, 2013
Ikalabing-isang paglalakbay : Sino ako sa mata ng iba
Sabi nga nila, para makilala mo ang sarili mo, kailangan mo itanong sa mga nakapaligid sayo o madalas mong kasama kung sinu ka sa mata nila..
Narito ang ilan sa mga taong naging malapit sa akin at ang kanilang mga sagot sa simpleng tanung na, "Anu ang unang tingin mo sa akin noong una tayong nagkita?"
Ang unang kong tinanungan ay ang isa sa naging malapit sa akin dahil sa parehas kami ng hilig, ang pagkuha ng mga larawan sa lansangan. Si A!
Narito ang kanyang sagot, "Hmm Zero.. When I first met Zero last Year at the JaywalkerPH's organized photowalk in Manila, I saw in him that he is so passionate about his craft, which is photography. You can see in him that there's no trouble communicating with him since he's super friendly and so approachable unlike some good photographers who totally ignore you. When I visited his blog a few times, I really like what he was doing with it. Great articles and superb shots. I totally see that he already mastered photography in different ways. I'm glad that I was able to communicate with him now more often and that I found a good friend in him who I can trust. I really believe that he'll go way further ."
Matapos niyang sabihin ang mga bagay na ito, napaisip ako bigla, oo nga no. kahit paano unti-unti ko na din nakukuha ang ilan sa mga teknik sa paggamit ng kamera. Salamat Ginoong A, sa masarap na unang sagot na ito.
Ang ikalawang taong tinanungan ko ay jhen, isa sa sobrang mabait at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak, di ko akalain na magiging malapit ako sa kanya, sapagkat may mga bagay-bagay na di magkakaunawaan.
Narito ang kanyang sagot "First Impression? You're so nice! kahit hindi mo pa kami inaaprroach nun
base sa mga nakita ko you're nice talaga.. "
Di ko alam kung matutuwa ako sa sagot ni Bb. Jhen sa aking tanung sapagkat di ko naman akalain na yun ang kanyang magiging tugon, sapagkat ang akala ko sa aking isipan ay isang suplado. Maraming salamat Bb.Jhen sa magandang sagot na ito.
Ang ikatlong tao. si RH, oh wag mag-isip ng masama di yan isang inuming nakakalasing, pangalan talaga yan ng isang tao, RH ang tawag ko sa kanyan dahil sa kanyang unang pangalan at apelyido, nakilala ko ang Ginoong ito noong ako'y napasama sa isang magandang pagtitipon ng mga retratista noong nakaraang taon, di ako akalain na magiging malapit kami hahaha.
Narito ang kanyang sagot "ohh hala ang hirap naman ng question mo, hmmm
First impression ko, parang confident ka sa mga ginagawa mo kahit mahirap yung stuff tinatry mong gawin parin makuha mo lang yung gusto mo yan palang masasabi ko bro. "
Ayan tayo eh... pero na tumbok niya ang isa sa mga inaasahan kung sagot, oo isa akong taong sumusubok sa mga bagay na kahit mahirap pero kung gusto mo naman ang ginagawa mo, makukuha mo.
Isa to sa mga naging malapit sa akin ng sobra, dahil parehas kaming gala ng taong ito, si SJ.
Narito ang kanyang sagot "Well, you looked like parang gala ka. Yung tipo ng gala na parang walang patutunguhan. Haha. Sinasabi ko yan honest ako ah, haha, kasi friend kita. awwwww. hihi"
Hahaha, natumbok din niya ang isa sa mga gustong kung marinig na sagot, oo minsan ganyan ako, ako yung tipong aalis, di alam kung saan pupunthan, ika nga ng karamihan, bahala na kung saan ako dadahil ng aking paa.
At ang paghuli, isa sa mga tinuturi kung kuya, si Kuya Jay, kahit minsanan na lamang kami magkita at mag-usap dahil na rin siguro sa magiging abala na niya para sa kanilang nalalapit na kasal hahha...
Narito ang kanyang sagot "1st impression ko sayo = suplado."
Hahaha, di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanyang sagot, sapangkat siguro o marahil yung mga panahon na nakita niya ako o nakausap ay sobrang pormal ko at seryoso..
At dyan nagtatapos ang aking ikalabing-isang paglalakbay, ikaw? Sinu ka nga ba sa mata ng mga nakapaligid sayo?
Subscribe to:
Posts (Atom)