Thursday, April 11, 2013

Ikalabing-isang paglalakbay : Sino ako sa mata ng iba


Sabi nga nila, para makilala mo ang sarili mo, kailangan mo itanong sa mga nakapaligid sayo o madalas mong kasama kung sinu ka sa mata nila..

Narito ang ilan sa mga taong naging malapit sa akin at ang kanilang mga sagot sa simpleng tanung na, "Anu ang unang tingin mo sa akin noong una tayong nagkita?"

Ang unang kong tinanungan ay ang isa sa naging malapit sa akin dahil sa parehas kami ng hilig, ang pagkuha ng mga larawan sa lansangan. Si A!

Narito ang kanyang sagot, "Hmm Zero.. When I first met Zero last Year at the JaywalkerPH's organized photowalk in Manila, I saw in him that he is so passionate about his craft, which is photography. You can see in him that there's no trouble communicating with him since he's super friendly and so approachable unlike some good photographers who totally ignore you. When I visited his blog a few times, I really like what he was doing with it. Great articles and superb shots. I totally see that he already mastered photography in different ways. I'm glad that I was able to communicate with him now more often and that I found a good friend in him who I can trust. I really believe that he'll go way further ."

Matapos niyang sabihin ang mga bagay na ito, napaisip ako bigla, oo nga no. kahit paano unti-unti ko na din nakukuha ang ilan sa mga teknik sa paggamit ng kamera. Salamat Ginoong A, sa masarap na unang sagot na ito.

Ang ikalawang taong tinanungan ko ay jhen, isa sa sobrang mabait at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak, di ko akalain na magiging malapit ako sa kanya, sapagkat may mga bagay-bagay na di magkakaunawaan.

Narito ang kanyang sagot "First Impression? You're so nice! kahit hindi mo pa kami inaaprroach nun
base sa mga nakita ko you're nice talaga.. "

Di ko alam kung matutuwa ako sa sagot ni Bb. Jhen sa aking tanung sapagkat di ko naman akalain na yun ang kanyang magiging tugon, sapagkat ang akala ko sa aking isipan ay isang suplado. Maraming salamat Bb.Jhen sa magandang sagot na ito.

Ang ikatlong tao. si RH, oh wag mag-isip ng masama di yan isang inuming nakakalasing, pangalan talaga yan ng isang tao, RH ang tawag ko sa kanyan dahil sa kanyang unang pangalan at apelyido, nakilala ko ang Ginoong ito noong ako'y napasama sa isang magandang pagtitipon ng mga retratista noong nakaraang taon, di ako akalain na magiging malapit kami hahaha.

Narito ang kanyang sagot "ohh hala ang hirap naman ng question mo, hmmm
First impression ko, parang confident ka sa mga ginagawa mo kahit mahirap yung stuff tinatry mong gawin parin makuha mo lang yung gusto mo yan palang masasabi ko bro. "

Ayan tayo eh... pero na tumbok niya ang isa sa mga inaasahan kung sagot, oo isa akong taong sumusubok sa mga bagay na kahit mahirap pero kung gusto mo naman ang ginagawa mo, makukuha mo.

Isa to sa mga naging malapit sa akin ng sobra, dahil parehas kaming gala ng taong ito, si SJ.

Narito ang kanyang sagot "Well, you looked like parang gala ka. Yung tipo ng gala na parang walang patutunguhan. Haha. Sinasabi ko yan honest ako ah, haha, kasi friend kita. awwwww. hihi"

Hahaha, natumbok din niya ang isa sa mga gustong kung marinig na sagot, oo minsan ganyan ako, ako yung tipong aalis, di alam kung saan pupunthan, ika nga ng karamihan, bahala na kung saan ako dadahil ng aking paa.

At ang paghuli, isa sa mga tinuturi kung kuya, si Kuya Jay, kahit minsanan na lamang kami magkita at mag-usap dahil na rin siguro sa magiging abala na niya para sa kanilang nalalapit na kasal hahha...

Narito ang kanyang sagot "1st impression ko sayo = suplado."

Hahaha, di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanyang sagot, sapangkat siguro o marahil yung mga panahon na nakita niya ako o nakausap ay sobrang pormal ko at seryoso..

At dyan nagtatapos ang aking ikalabing-isang paglalakbay, ikaw? Sinu ka nga ba sa mata ng mga nakapaligid  sayo?

1 comment:

  1. well agree naman ako kay A! ganun din naman tingin ko sayo parekoy

    ReplyDelete