Thursday, June 6, 2013
Ikalabing-dalawang paglalakbay : Ang kamatayan
Kamatayan, diyan tayo pupunta sa takdang panahon, ika nga nila una-una lamang yan, ang importante na paghandaan mo ang bagay na ito o di kaya naman ay nagawa mo na ang mga dapat mong gawin sa mundong ibabaw.
Minsan naiisip ko anu kaya kung walang kamatayan, kung wala ito malamang sa malamang sobrang dami tayo sa mundo, kung baga di maubos-ubos bagkus ay dumadami pa tayo sa mundong ito at kung nagkataon ay mas magiging magulo at mundong ating ginagalawan hindi ba? ang daming mundo hahahhaa...
Bakit nga ba nila kinakatakutan ang kamatayan? Eh kasi dahil may mga bagay pa sila na gustong gawin? Di pa nila natatapost ang kanilang bucketlist? Di pa sila mayaman? Di pa sila nagtatagumpay sa kanila mga larangan sa buhay?
Maaring oo o hindi lamang sa sagot sa mga tanung na ito, pero sana naisip din nila na ang buhay natin sa mundong ito ay hiram lamang, kaya't dapat sinusulit natin ito, gumawa tayo ng mga mabuting gawain, oo alam ko di perpekto ang mundo na ito pero kung maaari o kayang iwasan ang mga dapat iwasan hindi ba?
So paano hanggang dito na lang muna ang paglalakbay na ito, di ko alam kung bakit ko ito naisulat, siguro dala na rin ng aking nararamdam sa mga nagdaang mga araw.
Labels:
bucketlist,
kamatayan,
paglalakbay
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha basta ako auko pa, bata ko pa nu!
ReplyDeletewant ko muna maenjoy ang buhay!
kaya sana matraffic ng husto yan si kamatayan