Tuesday, September 13, 2011

5 & Up


Isa sa mga sikat na palabas pambata noong 90's ang 5 & Up na nagsimula dahil sa programang The Probe Team na nilikha sa pangunguna isang sikat at batikang journalist na si Cheche Lazaro, ayon sa aking pagkakatanda nagsimula daw ang 5 & Up dahil noong panahong iyon ay kakaunti o sabihing natin na iilan pa lamang ang mga programa sa telebisyon ang nagkaroon ng dokumentary program na tumutukoy sa mga suliranin sa ating bansa at dahil nga bago ito maraming mga kabataan ang nahumaling sa palabas na ito at dahil sa naging patok ito sa mga kabataan at di lang yun naging dahilan din ito upang pag-usapan ng mga kabataan ang mga nangyayari sa kanilang paligid.

At dahil nga doon eh nagkaroon ng isang audition para sa The Probe Team Kids Edition na kalaunan ay naging 5 & Up ito. At dahil naging patok ito sa panlasa ng mga masa maraming ga gumawang mga program katulad na lamang ng Jr. Tv Patrol sa Abs-Cbn at News Watch Junior Edition sa RPN9.


Sinu ba naman ang di nakakakilala sa mga naging membro ng 5 & Up tulad na lamang nila Atom Araullo na ngayon ay isa ng ginagalang at mahusay na field reporter ng Abs-Cbn News, Si Chynna Ortaleza na mas naging kilala sa Teen Oriented Show na CLICK , ang magkapatid na Rodjun Cruz na nagtratarabaho sa Kapatid Network na TV5 bilang Artist, Rayver Cruz na naging magaling na Tv performer sa Kapamilya Network na Abs-Cbn at si Maxene Magalona na isa sa mga sikat na Leading Lady ng Kapuso Network na GMA7.
At kung di rin ako nagkakamali eh nagsimula sila sa Network ng ABC5 na ngayon ay kilala na bilang TV5 at lumipat sila sa Gma7 kasama ng kanilang Probe Team Family ngunit dahil nagkaroon ng di magandang comunication sa The Probe Family ay muli silang bumalik sa ABC5 at ang Gma7 naman ay nagproduce ng sariling nilang version ang Chikiting Patrol.

Bakit ko nga na blog ang tungkol dito sa 5&Up at anu ang kinalaman nito sa aking munting journey simple lang naman, dahil habang ako'y nag-aayos ng aking Photo Album ay nakita ko ang mga ilang piraso ng larawan ng 5&Up at bigla ko lang naalala ang nakaraan at ang mga simple kwento tungkol dito.
Ayon sa kwento ng aking ama noon, laki daw ako sa salitang Ingles dahil nga madalas eh mga kapamilya ng aking ina ang aking nakakasama at halos lahat sila ay nagtratrabaho o di kaya ay nakatira na sa Estados Unidos kaya naman madalas ay sa Ingles nila ako kinakausap at totoo nga iyon, dahil tuwing ako'y uuwi sa aming probinsya (sa father side) sa Pampanga eh madalas akong asarin ng aking mga tito't tita dahil pagkinakausap nila ako eh sa salitang Ingles, kaya naman di na ko nagtataka kung bakit ganun ang asar nila sa akin.

Dahil nga naging patok sa panlasa ng mga pinoy ang programang 5&Up ay nagkaroon ito ng Audition para sa mga batang gusto maging parte ito, kaya naman wala daw sinaksayang panahon ang aking ama upang maging parte ako ng programang ito (sa mga panahon ito ay ok pa ang aking salita dahil nagthetheraphy pa ko nito nahinto lamang ang aking theraphy dahil sa laki ng gastos at di naman kami mayaman,umaasa lang kami sa mga donors/sponsors ng mga panahon yun).

At sa aking pagkakaalala ay naging parte nga ako ng programa ngunit di naman naging matagal ito sapagkat masyadong malayo at stressful sa parte ko, dahil nga nathetheraphy ako at the same time ay nag-aaral pa ako, kaya naman di matagal ang aking paglabas, pero syempre naging masaya naman ang aking karanasan ng mga panahong kasama pa ako sa programang ito dahil marami akong nakilalang mga bagong kaibigan at nalaman sa mga lugar na aming mga pinupuntahan, sabi nga ng aking ama noon ako daw ang madalas magpresinta na mag-oopening sa programa at mabilis na makamemorya ng mga napakahabang linya para sa mga segments program nito.
Tuwing naaalala ko ito di ko maiwasang isipin na naging normal na bata rin pala ako noong mga panahong iyon at di lamang basta bata dahil naging parte din pala ako ng isa sa mga pinakasikat na programa sa telebisyon ng late 90's.
At syempre masaya ako dahil di ko lubos na maisip na sobrang confident pala ako noon na yung tipong on the go ako kahit na alam ko na maraming mga bata ang nakatingin sa aking upang laitin o kaya naman ay pababain ang aking confident, masaya rin ako kahit paano pala ay iba ang aura o outcome ng mga pinaggawa ko noong bata pa ko.
Sana di nagbago ang mga ganitong ugali ko, pero sabi nga nila everyting will change except the word change, pero syempre may kasabihan din na lahat ng nangyayari ay may dahilan at ang dahilan na yun ay maganda at sa ikabubuti mo din.

So paano hanggang dito na lamang ulit ako.

Hanggang sa susunod na paglalakbay na lamang ulit.


Saturday, August 20, 2011

Confidence nga ba?!

Hio ma?, di ko muna itutuloy ang bestfriend article ko kasi feeling ko masyadong mahaba yun kung yun kaagad ang isusunod ko, beside feeling ko naman magiging maayos yun ang mga ilang bagay eh.
Anyway back to the ball game muna tayo, ang journey ko naman ngayon ang tungkol sa Confidence, anu nga ba ang Confidence? Ayon kay Encarta ang Confidence ay

Una. >  belief in own abilities: self assurance or a belief in your ability to succeed
Ikalawa.> faith in somebody to do right: belief or trust in somebody or something, or in the ability of somebody or something to act in a proper, trustworthy, or reliable manner


Para sa akin lahat ng ito ay tama, pero para sa akin anu nga ba ang confidence?

May kwento ako about sa confidence share ko sa inyo.

Late last year nagkaroon ng isang munting BEB o mas kilala bilang Bloggers EyeBall o Bloggers Meet-Up sa Moa noon, at isa ako sa mga naimbitahan na pumunta doon, una syempre di ko alam kung pupunta ba ako sa BEB na yun kasi ilan lang ang kilala ko doon at ikalawa mahirap naman tumanggi kasi bihira lang mag-invite ang isang blogger lalo pa na isang beses pa lang kayo nagkita di ba?

Isa pa kaya naman nagkaroon ng BEB dahil may isang Blogger na dumating mula sa Gitnang Silangan at gusto daw niya ng mini EB, so sa isip-isip ko wala naman mawawala sa akin kung di ko susubukan di ba?, at isa pa sabi nga nila paano mo malalaman ang isang bagay kung di mo naman gagawin ito at kung di maganda ang ikinalabasan eh for sure may tutunan ka naman at kung maganda naman ang kinalabasan, baunin mo ito at ipamahagi ang magandang ala-ala na yun tama ba ko?
As I expected naman naging masaya ang munting EB na yun, sobrang naenjoy ko lalo't pa at doon ang isa sa mga hinahangan kung blogger.

Tuesday, August 2, 2011

Bestfriend.....

Lets defined first what the meaning of friend, according to encarta....

friend [frend]

1.somebody emotionally close: somebody who trusts and is fond of another.

2.  acquaintance: somebody who thinks well of or is on good terms with somebody else.

3.ally: an ally, or somebody who is not an enemy.

4. advocate of cause: a defender or supporter of a cause, group, or principle.

Iyan ang mga salitang mababasa mo sa encarta kung anu nga ba ibang sabihin ng salitang friend, habang binabasa at sinusulat ko ito di ko magawang isipin ang mga bagay o pangyayari sa aking buhay, sabihin na nating naging masaya ito at naranasan ko ang mga ganitong bagay..

Simulan natin ito noong ako'y bata pa.

Its been a long time since nagkaroon ako ng bestfriend at sobrang tuwa ko yun dahil yung panahon na iyon ay iilan lamang ang aking mga kaibigan sa aming lugar.

Una kung nakilala si Jerome, isa syang half japanase tipikal na half japanase look at naging kaibigan ko siya dahil magkapitbahay lamang kami noong una akala ko suplado siya ngunit sabi nga nila di lahat ng 1st expression ay tama kaya naman naisipan ng aming yaya na ipakilala ako sa kanya dahil lagi na lang daw ako nagkukulong sa aking silid.

Kaya isang araw habang ako'y naglalaro ng sarangola eh doon eh nilapit siya ng aking yaya para makipagusap sa kanya noong una aaminin ko naiilang ako syempre ikaw pa naman eh laging bahay-assignment na lang ang kaharap mo (by the way nasa grade 1 na ko nito noong nakilala ko siya at loner ako ng mga time na yun) nagulat ako ng kausapin niya ko.

Nagclick kaagad kami dahil sa dami ng mga bagau-bagay na parehas kami at kung di ako nagkakamali eh ang dami kug natutunan na mga salita at kanya dahil sa kanya hinding-hindi ko makakalimutan ang kanta ng dunking donut "dunking donut tingaling ngaling poknut" ito ko ba kung bakit yun ang naalala ko sa kanya sa dami-dami ng mga kanta kinakanta namin.

At yun din ang time na nakatikim ako ng dunking dunot dahil lagi silang meron stock yun sa ref di ko alam kung bakit, di ko na rin natanung dahil nasarapan na rin ako sa pagkain na yun.

At syempre di ko rin makakalimutan ang mga house party namin kasama ng mga ilang kapatid niya simula na naging close kami lagi na ko nasa bahay nila iwan ko siguro dahil naging comfortable na ko sa company niya.

Minsan nga naglalaro pa nga kami ng mga baril-barilan sa loob ng kwarto niya kasama yung kapatid na babae na bunso medyo makulit at take note mahilig mangurot di ko alam kung bakit at medyo iyakin ng kaunti hehhee.

At minsan pa nga eh lagi na lamang siyang naiiwan na mag-isa sa bahay kaya ako naman to the rescue sa kanya at samahan siya hanggang dumating ang mama at kapatid niya.

Ngunit sabi ng nila bawat simula ay may katapusan...

Dahil nga nagrerent lamang sila ng bahay eh naisipan na lamang ng kanyang mama na lilipat na sila ng bahay, syempre lubos kung ikinalungkot ang bagay na yun at kung di rin ako nagkakamali eh almost 1 yr or mag 2 yrs din ang magiging magkaibigan namin, syempre nagulat ako kasi naman unang naging close friend ko eh aalis na pero sabi naman niya na dadalaw-dalaw naman sila sa akin.

Noong una medyo madalas ang magdalaw niya sa aking ngunit ng lumaon eh di na sila dumadalaw, na labis ko yung ikinalungkot pero sabi nga life goes on.

Ang sad part lang eh di ko alam kung asan siya ngaun dahil tuwing matatanong ako sa mga naging kaibigan ng kuya niya eh di nila matandaan kung anu ang family name nila kaya naman kahit anung gawin ko eh talagang wala na di ba?

--------------------------------------------

Ang ikalawang naging close friend ko eh si Pica (by the way may pagkaforeign blood din to di ko lang alam kung anu hahaha)actually di ko maalala kung papano kami naging close o naging kaibigan itong si Pica siguro dahil magkapitbahay kami kaya ganun.

By the way kilala rin niya din si Jerome dahil magkadikit ng naman sila ng bahay at syempre tambayan din namin din ang bahay nila noong araw ang memorable lang sa taong to eh madalas siyang mangtrip sa mga tao not in person ah kungdi sa telepono,paano simple lang kukuha yan ng isang directory tatawagan niya ang isang resto at oorder ng kung anu-anu at pag-itatanong na kung anu name natural iba name ang ibibigay niya at pag mageend na eh bigla na lamang niya itong sisigaw at ibaba ng pabagsak ang telepono imagine mo na lamang ang sakit sa tainga yun buti na lang kamo yun mga time na yun eh di pa uso ang caller id kung hindi yari siya sa tatay niya, pero syempre di lang naman yun ang mga masasayang memories na kasama ko siya madalas eh sabay pa nga kami gumawa ng mga assignment kahit na magkaiba kami ng school na pinapasukan at minsan pataasan din kami ng mga score sa mga quizzes namin kung sinu ang mababa eh manlilibre ng food syempre yun sa tindahan lang yun.

At dahil nauso din yung mga time na yung ang power ranger eh madalas kami naglalaro nun kasi meron siyang mga set ng power ranger na toys inggit na inggit nga ako sa kanya noon dahil ako simpleng mga laruan lang meron ako sabihin na nating pinaglumaan na ng panahon dahil pasa lang yun ng nakakatandang pinsan ko.

Kaya tuwang tuwa ako tuwing pupunta ako sa kanila noon.

At siya nga pala may kapatid siya nakalimutan ko na kung ang ang name yun basta dali ko yun niloloko kasi chubby at ang cute cute sarap kurutin ang pisngi at medyo matatakutin kaya minsan tinatakot ko siya kay chakie noon pagsinabi kong hayan na si chakie tatabok yan sa loob ng kwarto niya at magtatago, grabe ang tawa ko noon as in todo tawa.

Pero katulad ng una kong kaibigan na naging close ko eh umalis din sila sa kanilang bahay dahil nirerent lang din nila yun actually di ko nga alam kung kailan sila umalis yun eh,syempre naging malungkot din ako sa isip-isip ko lahat naman ng naging close ko eh iniiwan ko.

to be continue.....................

Sunday, July 31, 2011

The Journey Begin

Sabi nga nila ang isang buhay ay parang isang sasakyan minsan napupunta ka sa mga daan na di mo alam kung tama ito, minsan naman napupunta ka sa tamang daan, o di kaya minsan pazigzag zigzag ito na animo'y isang maze na di mo alam kung anu ang nasa dulo nito.

Ganyang mailalarawan ang aking munting journey.

Image credit to the owner

Tara samahan mo ako sa aking munting paglalakbay mula sa magulo,makipot,nakakahilo,nakakatuwa at tuwid na daan.