Monday, March 19, 2018

Ika-Tatlumpu't Anim Na Paglalakbay : Kaluluwang Gumagala

Namiss ko bigla magsulat dito sa munting blog na ito akala ko noong una hindi na ako muli pang makakasulat dito sapagkat naging busy na rin ako sa iba't-ibang mga bagay. Pero marahil tadhana na mismo ang nagdala sa akin dito para muli magsulat.

Anu na nga ba ang nangyari sa akin simula ng pansamantala kong naiwan ang blog na ito. Marami rami rin ang nangyari siguro ang masasabi ko lang ay hindi ko pa rin talaga alam kung anu nga ba ang gusto ko madami ang gumulo sa akin isipan na para akong timang minsan na kinakausap ko ang aking sarili na sana kung hindi ako naging ganito anu nga kaya ang aking lagay.