Monday, July 13, 2015

Ika tatlumpu't lima na paglalakbay : Kaarawan walang handa

Sabi nila dapat kung kaarawan mo dapat maghanda ka daw sapagkat ito ang magsisilbi mong selebrasyon sapagkat nabuhay ka sa mundong iyong ginagalawa. Pero paano ka ba ang magdadaos ng isang selerasyon gayon kapos ka naman sa buhay ika nga nila isa ka lamang alipan sa mundong ito.

Hindi pa na mas masaya na magpasalamat at magdasal na lamang sa maykapal sapagkat nabigyan ka pa ng isa pang taon para mabuhay sa magulo ngunit masayang mundo na ito?

Tuesday, March 10, 2015

Ika tatlumpu't apat na paglalakbay : Kawalan

Matapos ang isang mahabang pagpapahinga muli ako nagbalik sa mundo aking kinagisnan, isang mundo nagsisilbing munting tahanan. Minsan naisip ko na lamang na mas masarap na sa mundong aking kinagisnan kumpara sa ngayon. Marahil siguro nasanay na lamang ako sa mas maayos at malayang galaw kumpara sa mga ganung uri ng pamamalakad.

Sunday, February 1, 2015

Ika tatlumpu't tatlong paglalakbay : Panahon na naman ng Pag-ibig

"Panahon na naman ng pag-ibig.  Panahon na naman aahh. Panahon na naman ng pag-ibig. Gumising ka
tara na."

Sinu nga ba ang di makakaalam ng kantang yan na pinasikat ng bandang Rivermaya noong 90s, malamang kung alam mo kung anu ang kanta na yan ang napaimdak ka din sa bawat likiro nito.

Friday, December 26, 2014

Ika tatlumpu't- dalawa na paglalakbay : Kilig, pintig, haay pag-ibig

Isang damdamin nabuo sa di inaasahang pagkakataon, isang damdamin masarap sa pakiramdam animo'y pagkasama mo ang iyong mahal ay nawawala na ang lahat ng pagod at iyong paghihirap.


Ito na naman ako muli nagbabalik sa di inaasahang pagkakataon, di ko rin alam kung anung pumasok sa utak ko at bakit ako muling nagtitipa dito sa harap ng kumputer. Marahil siguro dahil sa isang pangyayari na naganap noong nakaraang linggo kung saan isang malapit na kaibigan ang kinasal.

Thursday, November 13, 2014

Ika tatlumpû-isa na paglalakbay : Pumapagibig101

Sabi nga nila "pagtumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito." Sinu ba naman ang di nakakaalam ng kanta na yan, di ba? Marahil maraming magtatanung kung paano nga ba umibig at kung kailan nga ba ito dapat simulan?
Para sa akin ang pagibig ay isang mahiwagang pangyayari na di mo alam kung saan at kailan ito mangyayari, hindi ba?
Minsan yung inaakala mong wala lang sayo yun pala meron na, dahil di mo lamang binibigyan ng pansin ang bawat pintig ng puso mo.

Saturday, September 20, 2014

Ang pagpapatuloy ng tiwala

Habang tumatagal ang panahon marami din ang nagbabago, mga pagbabago na mas nagpapatatag sayo. Kaya naman ang bawat tiwala iyong bnibigay sa kanya at unting-unting nabubuo kahit sabihin natin na mahirap itong muling ibalik pa?

Pero sabi nga nila lahat naman ng tao ay dumadaan dito upang malaman nila kung gaano nga ba sila katatag kaya kung sakali man dumating ang panahon na muling nawala ang tiwala mo sa ibang tao ay madali na lamang sayo ito.

Monday, September 15, 2014

Wasak na naman ang Tiwala.

Kagaya ng nasabi ko sa mga narakaraang paglalakbay isa ang tiwala sa mahirap kunin at pagnakuha mo na ito siguraduhin mo lamang na kaya mo itong panindigan. Sapagkat ang tiwala ay kusang binibigay sa mga tao may mabuting budhi pero paano na lamang ang tiwala kung nabasag ito?

Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko maging malapit sa mga kaninong mga tao sa aking paligid sapagkat mabilis akong magtiwala, tiwala na binigay ko ng buo, walang labis at walang kulang.

itutuloy....