Saturday, August 20, 2011

Confidence nga ba?!

Hio ma?, di ko muna itutuloy ang bestfriend article ko kasi feeling ko masyadong mahaba yun kung yun kaagad ang isusunod ko, beside feeling ko naman magiging maayos yun ang mga ilang bagay eh.
Anyway back to the ball game muna tayo, ang journey ko naman ngayon ang tungkol sa Confidence, anu nga ba ang Confidence? Ayon kay Encarta ang Confidence ay

Una. >  belief in own abilities: self assurance or a belief in your ability to succeed
Ikalawa.> faith in somebody to do right: belief or trust in somebody or something, or in the ability of somebody or something to act in a proper, trustworthy, or reliable manner


Para sa akin lahat ng ito ay tama, pero para sa akin anu nga ba ang confidence?

May kwento ako about sa confidence share ko sa inyo.

Late last year nagkaroon ng isang munting BEB o mas kilala bilang Bloggers EyeBall o Bloggers Meet-Up sa Moa noon, at isa ako sa mga naimbitahan na pumunta doon, una syempre di ko alam kung pupunta ba ako sa BEB na yun kasi ilan lang ang kilala ko doon at ikalawa mahirap naman tumanggi kasi bihira lang mag-invite ang isang blogger lalo pa na isang beses pa lang kayo nagkita di ba?

Isa pa kaya naman nagkaroon ng BEB dahil may isang Blogger na dumating mula sa Gitnang Silangan at gusto daw niya ng mini EB, so sa isip-isip ko wala naman mawawala sa akin kung di ko susubukan di ba?, at isa pa sabi nga nila paano mo malalaman ang isang bagay kung di mo naman gagawin ito at kung di maganda ang ikinalabasan eh for sure may tutunan ka naman at kung maganda naman ang kinalabasan, baunin mo ito at ipamahagi ang magandang ala-ala na yun tama ba ko?
As I expected naman naging masaya ang munting EB na yun, sobrang naenjoy ko lalo't pa at doon ang isa sa mga hinahangan kung blogger.



Mga ilang oras din ang kasiyahan na yun kung di ako nagkakamali eh halos 4 na oras, anung ginawa namin?  Simple lang naman kwentuhan to the max at isang masayang-masayang kantahan sa karaoke booth sa Quamtum, pagkatapos yun syempre naging malungkot ng kaunti dahil yung iba ay may lakad pa at may pasok ng oras na yun, mga ilan na lamang kami natira mula sa 8 naging 3 na lamang kami, syempre di lang doon natatapos ang lahat, yung blogger na dumating itago na lamang natin sa pangalan na Pao eh nagyaya ng munting inuman sa Madison, nashock ako noong una dahil di naman ako umininom ng alak ng walang okasyon, pero sabi niya minsan lang naman daw siya magpakita at 1st time lang naman daw kami mag-iinuman, so syempre sinu ba naman ako para tumanggi sa kanya at beside may point rin nga naman siya, pero syempre bago kami pumunta sa Madison ( by the way Madison was located near in Pioneer Robinson ) eh dumaan muna kami sa isang pizza food chain para kumain ng dinner (oo dinner na yun kahit mga 5PM pa lang dahil pagdating naman sa Madison alam ko na diretso inom na yun) at syempre nagkaroon ng mga kaunti kwento at pakilala sa mga sarili.

In Madison....(fastforward)

Syempre yung 3 naging 6 kami dahil may mga humabol na blogger din.
At yun na nga dumating na yung mga inorder nilang mga inumin at first time kung iinumin yun dahil di naman ako mahilig talagang uminon at isa pa ang alam ko lang na alak noon eh San Mig Light wala na yun lang, pero nung tinikman ko naman ang lasa masarap siya parang siyang juice na matamis yun, ang tawag nila dito ay BADTRIP.

Natural di lang inuman ang pinunta namin dahil itong si Pao, nagkaroon ng hot seat question at aaminin pagdating sa mga ganyan mga bagay eh, kinakabahan ako sobra dahil una ayaw ko ng madaming mga tanung na di naman kailangan, ikalawa may mga bagay-bagay na dapat di sabihin at baka ako'y madulas, pero di eh mapilit talagang itong si Pao eh kaya ayun, nangyari eh nauna ako sa hot seat.
Anu yung mga tinatong? Mga simple lang naman, tungkol sa mga buhay-buhay, paano ka nagblog?bakit?,tungkol sa trabaho,sa lovelife? sa sexlife? at kung anu-anu pa, ngunit may isang tanung na tumatak sa aking isipan, paano ko daw nahaharap ang mga iba't-ibang tao sa paligid/lipunan at paano ko daw nahahandle yung mga taong nakapaligid sa akin kahit na daw na ganito ako?

Ang tagal ko bago ko makasagot sa tanung na yun, di ko rin alam kung bakit ang tagal at isa pa, siya lang ang kauna-unahang taong nagtanung ng ganyan sa buong buhay ko, syempre medyo una na shocks ako no, kasi una minsanan lang kami magkahat ng taong to (meron kaming Blogger Conference sa Yahoo tuwing hapon bale sabit lang ako doon) at ikalawa di ko rin alam kung dapat ko nga bang sagutin ang katanungan na yun.
Pero dahil medyo natagal bago ko sumagot eh napainom ako ng 2 straight shoot, at ito ang aking sagot sa kanya na kahit na simple lang just face it and go on the flow in any situation yun dapat ang isasagot ko sabi ng utak ko, pero iba ang sinabi ng ang bibig sabi nito, marahil nasanay na rin ako sa mga taong nakapaligid sa akin at naging natural na lang yun, kahit na minsan di nila alam na nakakasakit na sila ng damdamin at isa pa marahil kailangan tanggapin talaga natin ung anu tayo sa mundo na to. Ilan lang yan sa mga naging sagot ko pero i know di yan mismong sakto basta parang ganun ang sagot ko sa tanung niya.
At ang naging reaction naman ni Pao, "Alam mo natutuwa ako sayo, kasi kahit paano eh sobrang lakas ng confidence mo sa sarili mo, kasi may kilala rin ako na same sayo pero sobrang baba, kaya naiintindihan kita sa mga bagay na yan."
At ako naman sa isip-isip ko napawow ako ng taong to, parang sabi ko sa sarili "minsan ganun talaga at kailangan yun lalo pa kung hinihingin ng isang pagkakataon, inaamin ko minsan sobrang baba ng confidence ko lalo na interms sa mga taong alam ko sa unang tingin pa lang sa akin nilalait na ko at binababa ang self steem ko."
Kaya ang sabi ko sa kanyan. ahh kaya pala..
Kaya simula nun feeling ko dapat maging ok ako sa mga bagay-bagay kahit na minsan nang-aalinlangan ako sa mga ilang bagay lalo't pa alam ko naman sa mundong ito walang perpekto at kailangan ng edukasyon para ipaintindi sa mga tao na wala silang karapat na maging mapaghusga sa mga taong di nila alam ang pagkatao nito...

So paano hanggang dito na lang muna ang journey ko sa susunod ulit, pero bago ko magpaalam eh may iiwan akung isang kasabihan, "Never judge another peron's scar, because you don't know how they got them.

SEE YOU ON MY NEXT JOURNEY!!!

3 comments:

  1. \nice blog... you had a good skills.

    keep blogging pre.

    ReplyDelete
  2. So happy to journey with you. Hehe. Hope to see you on my blogs din po. Thanks!


    Make More Money Online
    Spread the WORD!
    Pinkville
    Couplestrip

    ReplyDelete
  3. Keep your confidence up! Don't let anybody steal it from you.

    Just be yourself bro!

    God bless you!

    ReplyDelete