Thursday, May 10, 2012

Ikaanim na paglalakbay : Bulong

Ako'y muling nagbalik para magsulat at magkwento ng iilang bagay sa aking mundo at maglabas ng ilang sama ng loob..

picture credit to google


Dahil nauuso ang nga blind item para sa mga taong makulit at pasaway nakikiuso na lamang ako..

1. Akala ko ok na tayo bilang magkaibigan pero bakit ganun na lamang ang nakarating na balita sa akin, na isa akong maggagamit, sa pagkakaalam ko ikaw ang gumamit sa akin para makuha mo ang gusto mo at ako ang lagi mong dahilan para payagan ka ni tito na umalis kahit dis oras ng gabi.

2. Ang tagal na pala nating magbespren no, bespren  parang kailan lang nagkakilala tayo sa isang conference tas iba pa ang tawag ko sa iyo noon, habang tumatagal mas lalo pa kitang nakilala, natutuwa ako tuwing sinasabi mo sa akin ang masasayang araw mo kasama sila mommy tita, tito at si bunso, sana mas tumagal pa ang ating samahan, sana walang magbabago.Tsaka sana magkasama ka sa aking larawang paglalakbay.

3. Alam ko di tayo close pero sana naman pansinin mo ako, masaya na ko sa simple hi mo lang sa akin sa twitter buo na ang araw ko.

4. Di ko alam kung anu ang dahilan mo kung bakit bigla-bigla ka na lang lumayo sa akin simula noong nalaman mong kaibigan ko ang dating mong kaibigan.

5. Bakit ang galing mo sa gawa ng cartoon with matching script pa, bakit?! Minsan nga pagnagkita tayo paturo naman.

6. Simula noong pumunta ka ng ibang bansa ang laki ng pinagbago mo, mula sa dati nakapag-usap pa tayo ng matagal at nakikipagbiruan pa pero ngaun kahit simple usapan lang galit ka na kaagad.

7. Salamat sa bawat pakikinig mo sa mga kwento ko tuwing gabi, kahit alam ko na minsan naiirita ka na dahil paulit-ulit na lamang ang mga kwento ko, salamat dahil kung di dahil sayo di magiging maayos ang lahat.


1 comment:

  1. gusto ko tong list mo. naiiba. hindi puro hinanakit against other people.

    :)

    di ko alam kung kaya kong gumawa neto. hehe

    ReplyDelete