Wednesday, February 5, 2014

Ika dalawampu't tatlong paglalakbay : Tiwala

Isa sa mga napakahalagang aspesto ng pagkakaibigan o maging sa higit sa isang kaibigan ang salitang "Tiwala". Tiwala na di hinihingi kundi kusang itong binigay sa nararapat na tao sa iyong buhay, hindi ba?

Ngunit paano kung ang tiwalang ibinigay mo ay binalewala ito, anung ang iyong gagawin?

Malalang mawawalan ka na ng ganang binigay ulit sa kanya ito lalo't kung ang iyong pinagbigyan ng tiwala ay isa sa mga naging malapit sa iyo? Ika nga nila minsan kung sinu pa ang itinuturing mong totoong kaibigan ay siya pa pala ang wawasak sa tiwalang ibigay mo ng lubusan.

Minsan naiisip ko na lamang kung bakit nga ba minsan ang bilis natin magbigay ng tiwala sa isang tao? Marahil likas na sa atin ito lalo na kung alam mo ang taong ito ang karapat-dapat. Pero dadating din sa punto na mapapaisip ka na lamang na, "Bakit nga ba?"

Sabi nga sa isang kanta ng Parokya ni Edgar, "Parang tiwala pag nasira na mahirap nang ayusin pa, di kayang ipagdikit ang tiwala pag napunit! Parang nangyari kailan lang..."

6 comments:

  1. Mahirap talaga yan. Friendship really is based on trust. Kaya duda ako minsan sa mga taong TODO SOBRA SA PAGIGING SOCIABLE. Sabi nga nila, a friend of everyone is a friend of none. Bakit kamo? Because if we are to establish that friendship is based on trust, then friendship is built in time, because trust is built up in time. Sympathy kasi is quite frivolous. One can be sympathetic to every human being, and it's not really the core of friendship.

    Pero minsan talaga mapapadaan sa test ang pagkakaibigan niyo, at diyan makikita ang pagtitiwala sa isa't-isa. Minsan kailangan mo na magkaroon ng faith sa kanya. And time will tell kung gaano katibay ang samahan niyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. natumpok mo ang isa mga gust kung ipahiwatig kaibigang tripster..

      kagaya ng nasabi ko ang tiwala kusang binibigay hindi hinihingi..

      Salamat sa pagdalaw sa aking munting tahanan.

      Delete
  2. ang tiwala na mahirap ng ibalik kapag nawala na tipong kahit na maging maayos ang lahat ay hindi na maaring maghilom ang lamat na nagawa ng nawalang tiwala.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka diyan, mahirap talaga ibalik ang isang tiwala lalo na kung ang tiwalang iyong binigay ay mahigit sa isang daang porsyento.

      Delete
  3. Mahirap magtiwala baka ma vhong navarro agad haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. iba naman ang senaryo ni ginoong vhong kaibigan hahaa...

      Delete