Friday, December 26, 2014

Ika tatlumpu't- dalawa na paglalakbay : Kilig, pintig, haay pag-ibig

Isang damdamin nabuo sa di inaasahang pagkakataon, isang damdamin masarap sa pakiramdam animo'y pagkasama mo ang iyong mahal ay nawawala na ang lahat ng pagod at iyong paghihirap.


Ito na naman ako muli nagbabalik sa di inaasahang pagkakataon, di ko rin alam kung anung pumasok sa utak ko at bakit ako muling nagtitipa dito sa harap ng kumputer. Marahil siguro dahil sa isang pangyayari na naganap noong nakaraang linggo kung saan isang malapit na kaibigan ang kinasal.



Aminin mo minsan nangarap ka din na sana sa tamang panahon ay makasama mo ang iyong mahal sa harap ng simbahan at pagbibigay kayo ng iyong mga pangako kung saan dapat ninyong tuparin hanggang kayo ay nagsasama.

Isa marahil sa mga pangarap ng lahat ay maging masaya sila sa mga relasyon papasukin nila kahit na alam naman nila na maraming pagsubok, pagsukan na kung saan magbibigay sa kanila ng pundasyon upang muling maging matibay at maging malakas sa darating na panahon at pagkakataon.

Kilig, Pintig, haay pag-ibig...  Mga salitang nababasa sa mga nobela, napapanood sa telebisyon o mga salitang nababanggit ng iyong mga kaibigan pag meron silang mga buhay pag-ibig!

Kilig isang masayang pakiramdam na ayaw mo ng mawala sa iyo lalo na kung ang iyong kasama ay mahal mo ng lubos, kilig na nagbibigay saya sa bawat araw na babangon ka sa iyong higaan o bago ang iyong pagtulog. Kilig na kahit sa ngiti pa lamang niya ay napapawi na ang iyong lungkot na nadarama. Kilig sa bawat simpleng pag-aalaga sa iyo. Kilig sa bawat bitaw ng mga kesong linya. Kilig sa bawat palitan ng mga kuro-kuro... Ahhhh basta ang alam ko pag walang kilig di na yun pag-ibig.

Pintig isang uri ng damdamin na di mo mawari kung anu ito, isang di pagkaraniwang nagyayari pagkaharap mo na ang iyong mahal yung tipong di mo alam ang gagawin mo kasi ang iyong pakiramdam ay parang ewan... Basta ang alam ko kasama yan sa pagtibok ng puso yun na yun...

haay pag-ibig kagaya ng nasulat ko sa nakaraang paglalakbay pag-ibig ay ang makapangyarihang sandata para sa lahat ngunit madaming aspeto ito, una pag-ibig ay magsisilbing paraan mo para maging masaya ka sa bawat ginawa mo, pag-ibig din ang maaring dahilan ng paggawa mo ng masama para sa kapwa. pag-ibig din ang sisira sa ito. Isang pag-ibig na di mo alam kung anung dahilan at nauso ito. Isang pag-ibig na anino'y bigla na lamang susulpot ng walang dahilan at ung meron man marahil si lecheng kupido na ang makakasagot sa bagay na yan.


Ay basta ang alam mo Kilig, pintig, haay pag-ibig ay iisa lang yan na bumubuo sa pagkatao mo!

So paano hanggang sa susunod na paglalakbay na lang!

Bathala nawa.

No comments:

Post a Comment