Friday, January 24, 2014

Ika dalawaput isang paglalakbay : Biglang Liko

Ang lamig ng gabi ay talaga naman nakakagigil at di mo mawari kung paano ito malalaban.

Pumunta ako balkonahe ng aking bahay upang makapag-isip ng mga iilan mga bagay at alamin kung paano nga ba matatangal itong lamig na ito sa akin katawan.

Dahil sa di ko makatiis ay pumunta ako sa kusina upang magtimpla ng kapeng barako para kahit paano ay mapawi nito ang lamig sa aking katawan pagtapos ay bumalik ako sa balkonahe upang tignan ang mga taong dumaan sa kalye, ang kalye kung saan maraming nagaganap!

Bata pa lamang ako ay naging palaruan ko ang ang kalye aking tinitignan, marami akong alaala dito pero ang isa sa mga di ko makakalimutan ay kung saan may nakilala akong isang magandang estranghero. Sa aking pagkakatanda nasa ika siyam na baitang na ako dito kung saan naghahanap ang aking katawan ng isang milagro.

Dahil na rin siguro dala ng kabataan ko at gusto sumubok sa iba't-ibang mga bagay kaya naman sumama ako sa magandang dilag na iyon hindi ko mawari kung anung ginawa niya sa aking upang ako'y mapasunod niya hanggang sa umabot na kami sa likuan ng kalye kung saan matatanaw muna ang isang lumang gusali. Gusaling anino'y niluma na ng panahon dahil sa anyo nito.

Di ko na alam na unti-unti na pala kami magkalapit animo'y alam na ng katawan ko kung anu ang dapat gawin sa kanyang harapan, ika nga nila andyan na ang palay at handa ng tumuka ang manok. Unti-unti nababawasan ang aming mga samplot kasabay nito ang di matigil na halikan akala mo ay may kasamang magmamahal. Dahil sa bilis ng pangyayari ay nagising na lamang ako sa isang malambot na kami at katabi ko pa rin ang magandang dilag na ito. Habang ako naman ay litong-lito sapagkat di ko alam kung tama nga ba ang aking ginawa sapagkat pinalaki akong mayroon respeto sa babae, kahit anu pa man ang kanyang katayuan sa buhay ngunit marahil dahil na rin sa kuryusidad kaya ko iyon nagawa. Pero may isang bahagi sa akin utak na nagsasabing mainam lamang yan sapagkat natural lalaki ka kaya nagawa mo ang bagay na iyon at siguro naman akong nasarapan ka sa bawat indayog ninyo sa kama, hindi mo ba napansin na pagod na pagod ka at tignan mo hanggang ngayon ay naghihina pa ang babaeng iyong nasa tabi.

Dahil di ako makatiis ay bigla na lamang akong nagbihis ng aking mga damit anino'y iniwan ang magandang dilag at tinatro na lamang bilang isang mababang uri o mas kilala bilang isang babaeng kalapati.

Dali-dali akong tumakbo patungo sa aking tahanan upang maligo dahil di ko gusto kung anuman ang aming ginawa ng araw na iyon, araw na nagpatuliro sa aking isipan.

4 comments:

  1. Sabi na nga ba eh! *hehe*

    Kung mangyayari din sa akin ito, maliligo talaga ako ng maraming beses. Juice ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala ka pang binabanggit kaibigan hahah...

      Delete
  2. True confession ba ito kaibigan? so, murang edad pa lang talaga ay namulat ka na sa mundo ng sekswalidad.

    Bigla ko tuloy naalala yung mga "biglang liko" na motels sa may bandang Sta. Mesa, malapit sa PUP lol

    ReplyDelete