Monday, January 13, 2014

Ikalabing - walong paglalakbay : Nagpagpo ang puso at isip

Sa ating mundo ginagalawan di natin tiyak ang mga bagay-bagay lalo na ngaun ang bilis ng takbo, may mga pagkakataon na lamang na nag-iisip ka na lang para sa ikakabuti at ikakasaya ng lahat ngunit walang kunsultasyon mula sa puso mo, tama ako hindi ba? Minsan may pagkakataon na lamang na gusto mo lamang makibagay o makisabay sa agos ng panahon o ng iyong mga kabigan sapagkat iyon ang gusto ng nakararami pero kung iyong titigbangin ito ay may parte ng iyong puso na nagsasabing mali o may kulang o hindi ka kuntento sa iyong pinaggagawa o pag-agos nito?


Marami ang nagsasabi na mas mabuti na sundin ang iyong puso sapagkat iyon ang batayan ng iyong nararamdaman, ng iyong kasiyahan at magiging kuntento sa mga bagay-bagay. May nagsasabi naman na mas mabuting pairalin mo ang iyong isip sapagkat ito ang batayan ng iyong pag-unawa sa mga bagay at dito mo rin malalaman kung anu nga ba ang tama at mali at higit sa lahat kaya ito nasa taas ng parte ng ating katawan.

Pero kung susumahin mo ang dalawang ito parehas naman itong tama hindi ba? Bakit hindi natin ito gamitin ng sabay! May mga bagay na hindi naman nating kailangan na madaliin ito, ika nga ng isa kung kaibigan "mas mabuti ng matagal ang lakad kung alam mo naman kung saan ka tutungo kaysa naman sa tulin ng inyong takbo di muna nakita ang ganda ng paligid" tama nga naman siya dapat natin namnamin ang mga bagay na nasa iyong paligid at paandarin mo ang parehong mahalagang parte nito ang puso at isip upang sa ganun ay mas lalo mong maintindihan kung tama o mali, o makikisabay ka ba sa agos na ito.

Kung minsan naman mas mainam na huminto ka muna saglit at timbangin ito sapagkat dito maiisip o masasabi na mas ok pala pag pinagtagpo mo ang iyong isip at puso sapagkat andun ang tunay na kasiyahan nito.

Ikaw anu ang iyong madalas na gamitin ang puso o ang iyong isip?

Hanggang sa susunod na paglalakbay!

1 comment:

  1. pareho kong ginagamit ang puso at isip...ang importante ay masaya ako sa desisyon ko maging ano man ang resulta nito

    ReplyDelete