Monday, June 2, 2014

Ang di ordinaryong cafe

Sabi nga ng karamihan ang pagpunta sa isang cafe ay nagiging isang lifestyle na lalo na ang mga kabataan ngaun lalo't pang ang dami-dami ng nagsisilabasan na parang mga kabute. Pero paano mo nga ba malalaman kung worthy pa ang pagstay o pagkain o pag-inom ng isang tasang kape sa kanilang cafe.

Marahil sasabihin ng isang ordinaryong tao bakit nga ba nahuhumaling ang mga kabataang ito sa isang tasang kape kung tutuusin naman 3 in 1 na kape ay pasado na, iba yung panahon namin kaunting kwentuhan lamang sa veranda, swak na ang bonding. Pero kung titignan mo nga namang ang lifestyle ng mga kabataang katulad ko (oo pagbigyan ninyo na ko bata pa ko haha), pumunta sila sa cafe di dahil sa pagkain o sa kanilang inumin kungdi dahil sa karanasan mismo sa loob ng cafe.

Aaminin ko isa ako sa mga madalas na laman ng mga cafe sa iba't-ibang sulok ng kamaynilaan di dahil sa may mga freebies dito kungdi masarap magsulat sapagkat tahimik at kung kasama ang mga kabarkada mo na talaga naman na mas nagiging mas masaya pa ito.

Sa isang tasang kape na inorder ninyo bawat isa ay matagal maubos di dahil tinitipid ninyo ito kungdi dahil mas maraming kwentuhan na nagaganap kumpara sa pag-inom, minsan pa nga mas matagal pa ang oras ninyo sa cafe kumpara sa mga ordinaryong mga araw na magkakasama kayo, hindi ba?

Marahil masasabi kung naging maganda rin ang epekto ng pagkakaroon ng mga cafe sa isang lugar sapagkat mas mga bagay talaga na sa cafe mo lamang ito mailalabas.

So paano hanggang dito na lamang ang aking kwento patungkol sa cafe.

Malay madalas na pala tayong magkita, di lang natin napapansin.

6 comments:

  1. nyahaha natuwa naman ako sa kwentong cafe mo ☺

    kung sa bagay may punto ka. Maaring sa isang status symbol ang tingin ng ibang tao ang mag punta sa mamahaling cafe pero ang karanasan dito ang binabalik balikan ng mga tao na higit pa sa status symbol ang hanap. ehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabayan may punto ka naman dun.. salamat sa pagdalaw sa aking balay.

      Delete
  2. Hindi big time ang pag hangout sa isang cafe dito sa Europe. They started it. But i think their attitude at the time was a lot different from the attitude of pinoy youngsters.

    Kung tutuusin, ang coffee shops dito ay isang tambayan or meeting place lang.

    Ganun naman din sa atin pero it's becoming more like establishing a status. During the 90's tambayan kasi namin noon sa Pinas ang school grounds, or yung plaza sa tapat ng simbahan, yung food court sa mall, o sa bahay ng kaibigan, o sa basketball court ng baranggay.

    Those were the days when fucking Starbucks was still far away.

    Ngayong na import natin ito, eh gusto na natin baguhin ang way of life natin at the way we make tambay. Yah know. We started opting that fucking English twang. We make tambay na we our barkada (note: 'r' pronounced without rolling it in the tongue).

    Ang pagtambay sa cafe ay isa nang status symbol at ang Starbucks ay hindi na isang trend. it's a religion in the Philippines.

    Maybe we should start changing our mindset and attitude towards cafes. Maybe those fucking businessmen should stop putting skyrocketing prices on those disgusting coffees and cappuccinos (I know they're disgusting. I live in the land where cappuccino was invented. Those over-rated cappuccinos are way more expensive than here in Italy and definitely taste like shit.)

    Anyway, baka sabihin sobrang hangin ko. Mayabang ako. Sige aminin natin na mayabang ako, but that doesn't mean that what I said is not true.

    Wala lang. Basag trip lang. Hehehe!

    Anyway, masarap talaga tumambay sa cafe. You can study and read in a library but heaven forbids you make a slightest sound. At least sa isang coffeeshop puede kang magingay ng konti kasama ang kaibigan at kumain at magkape habang nagbabasa, something that you can't do in a library.

    Naniniwala din naman ako na mas mahirap mag-aral o magbasa sa bahay. Mas maraming distractions. Ako nga eh bumabiyahe pa sa kabilang dako ng city namin para mag kape at magbasa ng libro.

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto ang komento mo kung paano mo ilarawan ang iyong karanasan sa cafe at lahat ng punto mo ay tama at sa huling komento mo oo tama ka diyan, iba pa rin ang nabibigay ng cafe lalo na kung kasama mo ang iyong mga kaibigan...

      Delete
  3. tama ka diyan...isa sa posibleng lugar kung saan lumilikot ang mga nerves mo sa utak para makabuo ng isang obra... at sa mga cafe yun... hahahahah.. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah pero hindi ba minsan pude naman sa ibang lugar o marahil depende sa isang tao?

      Delete