Tuesday, July 1, 2014

Si Hulyo at Ang Maskara

Hulyo nanaman pala ang bilis ng araw di mo na mamalayan pasko nanaman...

Ilan beses man tayong madapa kailangan pa rin nating tumayo at ipagpatuloy ang buhay, ika nga nila may mga bagay talaga na di natin hawak at hayaan na lamang natin na ang Dios ang gumawa ng paraan upang maging masaya at maging maayos ang lahat.

Isa yan sa mga laging isipin ko tuwing dumating ang panahon kung saan may mga suliranin na dumating sa akin o maging sa mga itinuturi kung mga kaibigan pero syempre wag lamang umasa sa kanya dapat gumawa ka rin ng paraan para mas maging maayos at lahat ikaw nga sa ng isang matandang kasabihan "nasa dios ang awa, nasa tao ang gawa" hindi ba? Kaya naman dapat alam mo din kung anu nga ba ang dapat mong gawin.


Minsan kahit hirap na hirap ka na sa isang bagay pilit mo pa rin itong ginawa di dahil para maging masaya ka kungdi dahil gusto mo na maging maganda at maayos ito sa paningin ng ibang tao pero naisip mo ba na tuwing ginagawa mo ang bagay na iyan at parang hindi na ikaw ito? Oo parang hindi na ikaw sapagkat ipinapakita mo dito yung maskara na pilit mong sinusuot tuwing gumagawa o may kaharap kang tao. Oo minsan masarap ilagay ang maskara para maitago mo ang sakit at hapdi ng iyong nararamdaman pero di sa lahat ng oras ay dapat mo iyong isuot sapagkat parang lumalabas na hindi na ikaw yun kungdi ibang persona na ito..

Persona na pilit mong itinatayo at ipinapakita na kahit na ayaw mo ay pikit mo paring pinakita, ika nga nila huwad na pagkatao. Darating din ang panahon na ang persona na ginawa mo ang makakasanayan mo na at maaring di mo na ito matatangal sa iyong sistema.

Kaya kung ako sa iyo dapat maging totoo ka na lamang sa iyong sarili, oo minsan na mas maganda na nakamaskara ka na lamang pero kung titignan mo lagay ay mas mainam na ipakita mo kung sinu ang tunay na ikaw, yung walang halong pagbabalat kayo sapagkat mas mamahalin ka ng mga taong nasa paligid mo at mas makikilala ka nila ng husto, husgahan ka man ng iba dahil sa pagiging totoo mo sa iyong sarili kahit paano ay wala ka naman halong pagbabalat kayo at tinatapakan na tao.

oh paano hanggang dito na lamang ang kwento ko sa maskara.

Ikaw nakailang maskara ka na ba?

No comments:

Post a Comment