Monday, July 7, 2014

Mundo ng Kapatiran (fraternity) sarap o hirap

larawan mula kay google
Isa sa mga malaking balita ngayon sa Pilipinas ang pagkamatay ng isang neophyte dahil sa tinamo niyang mga pasa at sugat dahil sa isang hazing o mas tamang sabihan na isang proseso para makapasok ka ng lubos sa kanilang organisasyon.

Maraming nagsasabi na hindi naman kailangan pang sumali sa isang kapatiran kung alam mo naman ang iyong kakayanan o abilidad sa bawat bagay na iyong ginawa hindi ba? At isa pa anung nga ba ang dahilan kung bakit kailangan mong sumali pa sa kapatiran na alam mo naman na maari kang mapahawak dahil sa proseso sa pagpasok nito, marahil sasabihin ng iba upang mas lumawak pa ang iyong network o maaring makatulong sila sa iyo sa takdang panahon na kung sakaling kailangan mo na sila o dahil naghahanap ka ng isang kalinga na hindi naiibigay ng iyong pamilya o maaring dahil trip mo lang.

Hindi na malaking isyu sa ating bansa ang mga ganitong suliranin aminin natin sa ating sarili na malaki rin ang naibahagi ng kapatiran sa mundo ng edukasyon, pulitika, trabaho o maging sa pamamalakad sa isang organisasyon kinabibilangan mo, kung ako ang iyong tatanungin kung dapat nga ba ikaw sumali sa kapatiran marahil ang masasagot ko lamang sa iyo ay depende kung anu nga ba ang dahilan at ang dahilan na iyon ay dapat malalim sapagkat alam naman natin na hindi biro ang pagpasok lalo't may kasabihan na oras na tumapak ka sa pinto ng kapatiran ay hindi ka na maaring umayaw o bumitaw pa at kung bibitaw ka naman kapalit naman nito ang iyong buhay. Bakit hindi? Sapagkat nalaman mo na kung sinu-sinu ang mga membro, kung saan nagaganap ang mga pag-uusapan at ang proseso paano maging isang membro. Ika nga sa larong basketbol do or die ang labanan dito.

Kaya para sa akin dapat pag-isipan mo itong mabuti, hindi dahil halos ng kakilala mo ang membro dito o dahil makikita mo kung anu ang ginagawa nila. Mas mainam pa rin na alam mo sa sarili mo na kaya mo naman tumayo sa iyong sarili.

Pero ang isa sa mga mabuting naidudulot ng kapatiran sa iyo ay ang sekyuridad sa iyong sarili, sapagkat di sila yung tipong mang-iiwan sa ere na basta-basta at alam nila kung hanggang saan ka dapat tulungan, maliban dito aktibo rin naman ang ilan sa mga kapatiran na sa community service, medical mission at kung anu-anu pang mga bagay na ikakabuti sa isang kumunidad.

Masasabi ko rin masarap din silang kausap dahil mas nagiging malawak ang iyong pag-unawa sa ilang mga bagay mula sa maruming mundo ng pulitika, kasaysayan at kung anu-anu pa. Dito mas magiging bukas ang isip mo sa ilang sa mga posibilidad na kaya mo pa lang gawin ang isang bagay na akala mo ay di mo na kayang gawin pa pero dahil sa tulong ng kapatiran ay nagawa mo ito.

Kaya para sa akin depende talaga kung saan ka ba kapatiran (fraternity) chapter na mapupunta maaring sa mabuti o sa masama.

Ikaw naranasan mo na bang marecruit ng kapatiran (fraternity)?

1 comment:

  1. Hindi kasi ako nakatungtong ng kolehiyo kaya walang lumapit sa akin sa ganyan. Pero kung pinagpatuloy ko ang pag-aaral sa Pilipinas, malamang sumali ako sa ganyan.

    Ang mga ganyang samahan kasi provides a lifetime security, philosophical, political and financial support, lalu na sa mga katulad kong ambisyoso na hangad ay umepal sa pulitika.

    Pagpapakita na a man who has no desire to stand up and be confident on his own and do not believe in the power of his mind and his words would eventually perish in the company of those who promise to make him strong.

    ReplyDelete