Saturday, September 20, 2014

Ang pagpapatuloy ng tiwala

Habang tumatagal ang panahon marami din ang nagbabago, mga pagbabago na mas nagpapatatag sayo. Kaya naman ang bawat tiwala iyong bnibigay sa kanya at unting-unting nabubuo kahit sabihin natin na mahirap itong muling ibalik pa?

Pero sabi nga nila lahat naman ng tao ay dumadaan dito upang malaman nila kung gaano nga ba sila katatag kaya kung sakali man dumating ang panahon na muling nawala ang tiwala mo sa ibang tao ay madali na lamang sayo ito.

Marahil sasabihin ng iba na bakit bigla ka na lamang kasi nagtiwala kung alam mo naman sa sarili mo na di naman ito dapat ibigay pa?

Ang masasagot ko na lamang doon ay sapagkat lahat nilalang sa mundong ito ay di permanente at dapat sulitin na lamang natin ito. Minsan kahit mahirap magtiwala pang muli ay binigay mo, malay mo ang tiwala pala na iyon ay siyang magiging dahilan kung mas lumawak ang iyong pag-iisip sa iilang mga bagay-bagay. Hindi ba?

Ikaw kaya mo bang binigay ulit ang tiwala mo sa isang taong nagsira nito sa hindi sinasadyang panahon?

2 comments:

  1. mahirap ang mawala ang tiwala kung maibabalik man ito siguro hindi na 100% kasi may lamat na ang tiwala mo sa tao

    ReplyDelete