Thursday, November 13, 2014

Ika tatlumpû-isa na paglalakbay : Pumapagibig101

Sabi nga nila "pagtumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito." Sinu ba naman ang di nakakaalam ng kanta na yan, di ba? Marahil maraming magtatanung kung paano nga ba umibig at kung kailan nga ba ito dapat simulan?
Para sa akin ang pagibig ay isang mahiwagang pangyayari na di mo alam kung saan at kailan ito mangyayari, hindi ba?
Minsan yung inaakala mong wala lang sayo yun pala meron na, dahil di mo lamang binibigyan ng pansin ang bawat pintig ng puso mo.

Meron naman nagsasabi na kung kailan ka di maayos kaya ito darating sa iyo o kaya naman yung matagal mo ng kababata na di mo alam na naghihintayan lamang kayo kung kailan kayo magsasabi ng mga nararamdaman ninyo sa isa't-isa, hindi ba?

Oo! Masarap magmahal at pinamahal ngunit kabalikat ng magmamahal ay isang responsibilidad kung saan dapat pareho kayong handa sa lahat ng bagay lalo na sa panahon ngaun sapagkat ay gusto ng karamihan ngayon ay isang mabilisan usapan dahil sa modernong takbo.

Pansin mo noong panahon ng mga lolo’t-lola natin mahaba ang proseso ng ligawan sapagkat isa itong paraan upang malaman at makilala nila ng isa’t-isa ng husto upang ng sa ganun ay di nila basta-basta pakakawalan ang isa’t-isa.

Ang pag-ibig ay punong-puno ng sakripisyo, sakrisyo sa mga nangyayari sa paligid mo, sa sarili mo at higit sa lahat sa kasintahan mo, lahat yan dapat mong paghandaan sapagkat sa pagmamahal di lamang puro sarap ang dapat mong isipan dahil darating din sa puno na may mga bagay kayong dapat ibigay at isakripisyo pero wag lamang dumating sa punto na maghihiwalay kayo dahil sa isang maling desisyon na ginawa ninyo.

Dahil nabanggit ko na rin lamang ang salitang hiwalayan, ito ang masasabi ko diyan sa bagay na yan, maraming naghihiwalay na magkarelasyon dahil isang punto dito ang di tamang komunikasyon sa isa’t-isa, sabi nga ng isang kaibigan ko maliban sa tiwala ninyo sa isa’t-isa dapat alam mo din gamitin ang komunikasyon sapagkat  ito ang magiging gabay ninyo sa isa’t-isa lalo na kung may mga bagay kayong di napag-uunawan at dapat kayo kayong machining sa isa’t-isa dahil kung puro bigay lang ng bigay ang isa, garantisadong sa hiwalayan din ang bagsak ninyong dalawa dahil hindi ninyo binigyan ng tamang pansin ang salitang komunikasyon.

Hanggang dito na lamang muna ang maglalakbay ko.

Sa susunod na lamang ulit sana samahan mo pa rin ako at handa ka pa rin makinig sa bawat kwento ko.

Bathala na wa!

Larawan mula kay google

6 comments:

  1. Para sa akin ang pagibig ay isang mahiwagang pangyayari na di mo alam kung saan at kailan ito mangyayari.

    Ito ang kadalasan na sinasabi nilang magic...

    ReplyDelete
  2. Love moves in mysterious ways.. kumakanta ako habang binabasa ito. Sariwa pa ang hangin ng pagibig sakin kaalis lang niya.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. naway maghilot din ang sugat na dala nito sa tamang panahon at pagkakataon.

      Delete
  3. Minsan kapag umibig ka na aat babalikan mo yung simula pano mo nga ba siya nasimulang mahalin mangingiti k naa lang kasi minsan sobrang simple lang pala ng pinagsimulan hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi nga nila masarap umibig basta alam mo ang hanganan nito.

      Delete