Monday, July 13, 2015

Ika tatlumpu't lima na paglalakbay : Kaarawan walang handa

Sabi nila dapat kung kaarawan mo dapat maghanda ka daw sapagkat ito ang magsisilbi mong selebrasyon sapagkat nabuhay ka sa mundong iyong ginagalawa. Pero paano ka ba ang magdadaos ng isang selerasyon gayon kapos ka naman sa buhay ika nga nila isa ka lamang alipan sa mundong ito.

Hindi pa na mas masaya na magpasalamat at magdasal na lamang sa maykapal sapagkat nabigyan ka pa ng isa pang taon para mabuhay sa magulo ngunit masayang mundo na ito?

Ngayon taon lang ako di gaano naglalabas para sa akin kaarawan, di para umiwas sa selebrasyon para sa mga kaibigan kundi para na rin mas maging maayos at malaman ko kung anu nga ba ang kahalagahan ko sa mundo na ito, oo nabubuhay tayo ng may rason, rason na hindi pa natin alam kung anu nga ba ang dahilan, may mga pagpipilian nga tayo ngunit wala naman itong katiyakan kung magiging maayos nga ito pero kagaya nga ng sabi ng iba, paano mo malalaman ang isang bagay o gawain kung hindi mo ito bibigyan ng pagkakataon para subukan... Mahirap oo sobra pero sa bandag huli dun mo naman malalaman ang halaga ng ginawa mo hindi ba? Kung dapat mo pa bang gawin muli ang bagay na iyon o hindi ba?

Parang sa pag-ibig din minsan, oo nasaktan ka ng sobra pero hindi dahil nasaktan ka ng sobra hindi ka na magmamahal muli hindi ba? Sana tao rin naman talaga yan eh kaya nga meron tayong puso at utak na dapat natin gamitin ng husto, oo pwede makinig sa payo ng iba pero sa bandang huli sino ba ang gagawa, hindi ba ikaw din naman?

Ayyy ewan magulo na ito nasulat ko mula sa simpleng kaarawan napunta na tayo sa pag-ibig marahil magkadugtong talaga ang dalawan bagay na iyon sa atin.

So paano hanggang dito na lang muna ako alam ko matagal akong nawala sa mundong ito pero wag kang mag-aalala babalik at babalik pa rin ako para maglabas ng kaunting saloobin......

No comments:

Post a Comment