Tuesday, January 21, 2014

Ika-dalawampung paglalakbay : Halingling ng gabi

Maganda at masarap ang simoy ng hangin ngaun unang buwan ng taon anino'y para kang nasa ibang bahagi ng mundo dahil sa di tamang klima na nararanasan natin ngaun, ito din ang panahon kung saan masarap matulog na lamang sa apat na sulok ng iyong silid tulugan at namnamin ang lamig ng hangin.

Ngunit subalit may mga bagay talaga na di mo kaya pigilan sa kahit anu pa man dahilan nito, dahil hahanap-hanap ng iyong katawan ang init nito, init na animo'y magtatanggal ng lamig sa iyong katawan na siyang magiging dahilan nito upang maging sabik sa bawat indayog nito.


Gabi na puno ng pagnanasa na anino'y handa kang gawin ang lahat makuha mo lamang ang iyong inaasam-asam na init, init na papawi ng lahat ng malamig na panahon, minsan kahit ayaw ng iyong isipan na gawin ito magagawa mo sapagkat di mo na alam na ginagawa na mo ang bagay na gustong-gustong gawin ng iyong katawan.

Magising ka na lamang ng isang araw na may isa kang katabi na estranghero, isang estranghero na nagbigay sayo ng isang masarap na init na nagpapawi sa iyong gabing malamig ngunit ang iyong inaakalang estranghero ay siya pa lang kaibigan mo, kaibigan mo na kahit kailangan ay di nawala sa iyong tabi pero hindi mo ba naisip na maaring hindi lamang pagkakaibigan ang ibig niyang ipahiwatig sa iyo?

Ilang linggo na rin ang nakakaraan noong huling nakasama mo ang inaakala mong estranghero, ilang linggo na rin ang nakakalipas di pa rin mawaglit sa iyong isipan ang mga halingling, halingling na mas lalo nagbibigay sa iyo ng init upang mapawi ang lamig.

Pagkatapos mong mag-isip ng ilan mga bagay di mo na malayan na magkasama naman kayo sa apat na sulok ng silid upang pagbigyan ang init ng iyong mga katawan, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay huminto ka ay ibinigkas ang mga salitang mas lalong nagpainit sa gabing malamig, ang salitang matagal ng gusto marinig ng iyong inaakalang estranghero.

Matapos ninyong pagsaluhan ang init na ito ay nagsalita ang estranghero sinabi niyang, "alam ko ang dahilan kung bakit kailangan mong gawin to, oo di ko rin mawari kung bakit nga ba ako nagpapagamit lamang sa ito pero mismo ang puso ko na ang nagdikta nito, iniibig kita matagal na! Di ko lamang maamin sa akin sarili sapagkat alam kung may tamang pagkakataon at lugar upang sabihin ito."

Ngunit isang malakas na suntok ang iyong binigay, isang suntok na muntik ng sumira sa iyong samahan sapagkat ang suntok na iyon ang sumisimbolo na mahal mo din siya na hindi mo lamang maamin dahil sa mga iilang mga bagay.

-fin-

Isang kwento na gawa lamang ng aking malikot at magulong isipan sa malamig na panahong ito.

Larawan ng buwan ay kuha mismo sa google.com


2 comments:

  1. Correct me if I'm wrong pero sa pagkakaintindi ko... both males ang tinutukoy mong nag-salo sa init dito sa iyong maikling kwento?

    Sa bandang dulo kase may "suntok" akong nabasa... imposible namang suntukin mo ang iyong kasiping kung ito ay isang babae.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaibigan fiel maaring parehong babae o puede rin parehong lalaki, ika nga nila ikaw na mismo ang huhusga o lilikha ng sarili mong interpretasyon.

      Delete