Friday, January 3, 2014

Ikalabing-anim na paglalakbay : Unang Putok, Unang Dugo

Isang masaya at mapagpalang bagong taon sa ating lahat, nawa'y bigyan tayo ng lakas unang maging masaya at malagpasan natin ang anumang unos na darating sa atin sa pagpasok ng taong ito.

Kahit minsan sa dati ng naging problema natin dapat pa rin tayong magpasalamat sapagkat nalagpasan natin ang nagdaan taon.

Anu nga ba ang kwento ko ngaun bagong taon? Patuloy pa rin ba ang pagiging malungkutin ko sa kabila ng nakikita ng lahat sa aking masayahing mukha? O mas magiging maayos at mapili na ako sa mga taong magiging kasama mo sa paglalakbay na ito?

Sana nga ng iba minsan di na natin alam kung sinu nga ba ang huwad o totoo sa dati ng ating nakikilala sa ating paglalakbay, ika nga nila minsan kung sinu pa ang naging malapit sa iyo ay siya pa ang sisira ng tiwala mo.

Pero para sa akin huwad man o totoo ang mga nakakasalamuha ko ay ayos lang basta wala lang ginagawang labag sa mata ng Dios at tao hindi ba?

Bakit nga ba ganito ang titulo ng aking poste ngaun? Simple lang naman dahil alam naman natin na pagsapit ng bagong taon maraming nadadali ng mga paputok dahil sa hindi wastong paggamit nito ay mas tamang sabihin na walang dispilina hindi ba? Kung tutuusin naman ay pude naman nating ganapin o salubugin ang bagong taon na walang nasusugatan dahil kung titignan mo ang ibang bansa wala silang mga natamaan hindi ba?

Sana habang tumatagal ang takbo ng panahon ay matuto naman tayo sa mga nangyayari sa paligid, hindi porke alam natin na ang isang bagay ay di na tayo makikinig sapagkat nagmamarunong tayo.

Ika nga nila walang taong nabubuhay para sa sarili lamang..

So paano hanggang dito na lang muna ang paglalakbay kung ito, magkita na lamang tayo sa susunod.

4 comments:

  1. Happy New Year sayo sir. Abangan ko ang mga kwento mo ngayong taon. Cheers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maligayang bagong taon din ginoo.. salamat sa iyong pagbisita sa aking munting poste..

      Delete
  2. Maraming salamat po sa pagbisita sa aking munting espasyo sa mundo ng blogosperyo.

    Naku, halos magkapareho lng pala tayo ng sentimyento about sa taong mga nakikilala natin. Yung mga nagpapanggap lng na mabuti pag kaharap mo, pero pag talikod... iba na pala ang sinasabi against you. Maraming ganyan sa paligid. I can relate :))

    Anyways, Happy New Year po sa inyo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. marami din salamat sa pagbisita sa akin dito... salamat din sa iyong muntig komento, nagagalak naman ako at ikaw na nakaramdam din ng ganito..

      Delete