Tuesday, January 7, 2014

Ikalabing-pitong paglalakbay : Maselang Bahaghari

Sinu nga ba ang hindi nakakaalam ng kantang "Maselang Bahaghari", sa aking tingin wala lalong-lalo na kung saan masarap pakingan ito kapag ikaw ay nalulumpay sa isang tabi ika nga ng kantang ito, "Maselang bahaghari sa aking isipan,'Wag kang mabahala di kita malilimutan,paglipas ng ulan ay mapapangiti ang araw
'Wag sanang mawala ang maselang bahaghari" hindi ba? ang sarap, sarap sa pakiramdam pagnaririnig mo ang awitin ito.

Bakit nga ba ito ang napili kong pamagat sa aking bagong poste? Simple lang naman ika nga ng kanta kung may mga problema o mga suliranin sa sa buhay na mabigat, siguro naman ako malalagpasan mo lalo-lalo kung may tiwala ka sa may kapal hindi ba?

Hindi ko alam kung bakit anu napatipa sa araw na ito marahil nagkaroon ako ng lakas ng loob na pagpalabas ng ilan sa mga bago na aking napapansin sa paligid maging sa mundo ng tinatawag na "cyberspace", hindi ko mawari kung bakit nga ba karamihan sa mga kabataan ngaun ay mas binibigyan ng importansya ang mga problema na maliliit lamang kung tutuusin hindi naman dapat iyon problemahin hindi ba? Sapagkat sabi nga nila sumunod ka lamang sa agos ay darating din ang punto na magiging ok din ang lahat sa bandang huli.

Kaya ikaw kaibigan kung may mga problema ka, dumulog ka lamang sa may kapal at siguro akong matutulugan ka niya, hindi man agad-agad na makakamit ito darating naman sa tamang oras, pagkakataon at lugar.

larawan nakuha sa imahe ng google

5 comments:

  1. tama. I always pray also pag dumarating ung mga pagkakataon na I feel so down. peo dapat we also return all the favor and glory to God ung mga nakamit natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo tumpak, dapat samahan din ito ng isang panalangin.. salamat sa inyong pagdalaw kaibigan.

      Delete
  2. eheads fan ako talagang maganda at masarap pakinggan yung kanta na yan pero now ko lang inintindi yung lyrics dahil sa blog.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat ginoo sa pag-iwan ng bakas at komento...

      Delete