Thursday, January 16, 2014

Ikalabing - siyam na paglalakbay : Segundo

"walumpu’t anim na libo apat na raan ang nasa palad ko, walumpu’t anim na libo apat na raan pano ko gagamitin to parang hangin dumaan at naglaho, salamat sa diyos bukas may panibago, walumpu’t anim na libo apat na raang segundo, di ko na sasayangin to" isa ito sa mga naging paborito kung awitin ng nagdaan mga araw, di ko mawari kung bakit, siguro dahil sa mga nagaganap sa akin ngayon, dahil ang bilis-bilis ng oras may mga bagay na di mo na napapansin dahil sa bilis ng panahon, may mga pagkakataon pa nga na di mo na alam kung anu na nga ba ang araw ngaun.



Sabi nga sa isang kasabihan "Ang oras ay ginto", tama nga naman yun dahil may mga bagay na dapat gawin sa tama at wag basta-basta bira ng bira sa mga ginagawa mo sa buhay, ika nga namnamin mo ang bawat segundo ng buhay mo, mahirap man o madali, masakit man o masarap, dahil ang bawat segundo lumilipas ay isang segundo na di mo na maari pang balikan pa. Dahil kahit saan mo tignan ito di na kaya pang balikan sapagkat walang bagay o makina na pudeng magpabalik nito.

Kaya naman kung may mga naging katampuhan kang tao kung kaya naman makipag-ayos sa taong iyon ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para maging maayos kayo, hindi ba? Ngunit subalit may mga bagay din talaga sa mundo ito na minsan naiisip mo na lamang na sana mas mabilis pa ang oras sapagkat ayaw kung maranasan ang bagay na ito, mga bagay na pilit mong tinatakasan o iniiwasan.

Ikaw anu ang gusto mo ang pagbagal ng oras o ang pagbilis nito?

So paano hanggang sa muling paglalakbay uli.

4 comments:

  1. Deep thoughts.. Makes me wonder why time flies so fast aswell.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ginoong simon may mga bagay talaga na mahirap ipaliwag kaya dapat namnamin natin ang bawat segundo.

      Delete
  2. pag oras ng trabaho gusto ko mabilis para uwian na agad hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha tama nga diyan ginoong ahem, may mga bagay na gusto mong matapos kaagad katulad ng trabaho sa opisina..

      Delete