Friday, August 29, 2014

Ika-dalawampu't siyam na paglalakbay : Tumutunghay sa kinabukasan (move-on)

larawan mula kay jonas.ph
Sabi nga nila may mga bagay na mahirap gawin kahit anung pilit mong gawin ito lalo't na kung ang bagay na iyon ay minsan ay labag sa iyong kalooban, bakit? simple lang marahil may mga bagay na kahit anung pilit mong maging maayos ay di maayos, ika nga nila pagnabasag mo na ang isang mamahaling baso at pilit itong mabuo, di na ito kailangan man mabubuo kahit sabihin nating nabuo mo ito pero may lamat na o di na husto hindi ba?



Parang sa pag-ibig, may mga bagay na minsan akala mo magiging ayos na kayo, masaya na, ika nga nila para kang nasa isang kwentong binuo mo sa iyong imahinasyon kung saan perpekto ang lahat, maayos, masaya at puno ng magagandang alaala na maaari mong babaunin sa iyong pagtanda. Pero alam naman natin na walang perpekto sa mundong ating ginagalawan sapagkat kahit anung gawin mong ayos o tama ang lahat ng bawat galaw mo, magkakamali at magkakamali ka pa rin sapagkat minsan mas inuuna natin ang ating damdamin kumpara sa ating utak, hindi ba?

Ang paghihiwalay ay isa sa mga masakit na mararanasan mo sa pag-ibig lalo't-lalo kung ang dahilan ng inyong hiwalayan ang isang simpleng tampuhan lamang. Masakit yun sa parte ng iniwan sapagkat mas mag-iisip ito ng husto kung bakit nga ba siya iniwan? Hindi ba?

Pero sabi rin nila ang paghihiwalay ng nag-iibigan ay hindi lamang katapusan ng isang magandang pagsasamahan ng pagkasintahan, maari din itong maging simula ng isang magandang pagbabago sa sarili kumbaga mas makikilala mo ang iyong sarili pagkatapos ng hiwalayan na iyon. Kumbaga titimbangin  mo ang lahat ng aspeto mula sa paano nga ba kayo naging magkasintahan hanggang sa inyong paghihiwalay. Ngunit minsan mas nangingibabaw ang ang sakit ng iyong nararamdam sapagkat andun pa rin ang pakiramdam ng pangungulila ng iyong puso, hindi ba?

Paano mo nga magMOVE-ON ang isang pusong napaso at nasaktan?

Para sa akin isa ang MOVEON sa salitang madaling sabihin ngunit mahirap gawin sapagkat kung iisipin mong mabuti para kang masisiraan ng bait dahil pakiramdam mo ay para kang nawalang ng kaluluwa, ika ng nila ang karelasyon nila ang kanilang buhay, ngunit na isip ba nila na kaya naman nilang mabuhay ng wala ang kanilang relasyon sapagkat unang-una ay nabuhay sila ng wala ito, hindi ba? O mas tamang sabihin na naging parte na lamang sila ng kanilang buhay upang mas maging malakas at mas makita nila kung saan nga ba nila kayang gawin ang isang bagay?

Ika nga nila di lahat ng bagay ay puro masaya may lungkot din.

Hindi ba nila naisip na maari isa itong senyales na maaring hindi pa talaga handa ang kanilang puso para sa ganung pagkakataon?

Ikaw sa iyong tingin sa paanong paraan nga ba magmove-on sa pag-ibig?

So paano kita-kits uli sa aking susunod na paglalakbay!

No comments:

Post a Comment